Dapat gawin sa emergency situation | Bandera

Dapat gawin sa emergency situation

Dr. Hildegardes Dineros - February 12, 2014 - 03:00 AM

NOONG isang linggo ay tinalakay natin ang acute traumatic injury at inihalimbawa natin dito ay ang kaso nang pagkakabugbog sa aktor/TV host na si Vhong Navarro.

Ngayon naman ang tatalakayin natin ay kung ano ang dapat gawin kung merong emergency situation na nagresulta sa acute trauma.

Ang Acute Trauma ay “emergency situation’ kaya kailangan madala agad sa ospital o anumang “health facility” upang makita ng doktor at maibigay ang nararapat na lunas.

Habang papunta sa ospital, kailangan mabiyan ng “first aid”. Kung may parte na may sugat at dumudugo, dampian muna ng malinis na bulak, gasa o tela at ibalot para malagyan ng “pressure” hanggang tumigil ang pagdudugo (pressure dressing).
“Ice compress” ang ilalagay sa ibabaw ng namamaga sa unang 4 hanggang anim na oras. Makakatulong ito sa pagbawas ng pamamaga at pagtigil ng pagdudugo. Panatilihing nakahiga ang biktima para masuportahan ang “blood pressure”. Huwag gagalawin ng basta-basta lang lalo na kung may sinususpetsang “fractures”.

Kapag napatunayan na walang bali sa mula beywang hanggang paa, at ang biktima ay nahihilo at nanghihina (marahil mababa ang BP), itaas ang mga paa para ang dugo ay pumanhik sa puso, baga at utak.

Kapag may mga naka-sagabal sa paghinga, o daluyan ng hangin, subukan na tanggalin ito. Tumawag agad ng tulong upang maibigay ang lunas sa pinakamaagang panahon.

Mahalaga ang panahon sa health emergency situaion.

Ang bugbugan ay hindi lang kagagawan ng isang tao kung kaya’t masasabi natin na may “conspiring effort to create an injury”.

Kahit legal issue ito, ang conflict and confusion: Health Issue #2 na nasa pag-aari ng kaisipan ay malaking rason kung bakit nangyayari ang ganitong sitwasyon.
Tatalakayin natin sa susunod.

Narito naman ang ilang katanungan ng ating mga readers:

Good morning, doctor Heal. Ask ko po sana kung ano ang gamot may halong nana kasi ang sperm ko?  Galing ito sa girl na nakatalik ko.  Please help me, — Kent James, 22, Davao, ….3645

Kent, kailangan mo magpa-examine ng urine (urinalysis) at urethral swab for gram stain. Meron kang infection at kailangan very specific ang gamot base sa sakit. Sana mag-iingat ka dahil minsan ay grabe ang epekto ng impeksyon. Ang HIV at iba pang sexually transmitted diseases ay hindi biro. Maaring pagsisisi habang-buhay ang kapalit ng pansamantalang kaligayahan.

Good day, Dr. Heal,  almost 2 yrs na po akong laging nahihilo, tuwing hapon po halos araw-araw ok naman po blood chem ko.  Tumataas din ang bp ko miski may gamot ako montebloc at losartan may nontoxic tyroid po ako dr heal.  Ano po ang dapat kong gawin?  –Joan, 41, Iloilo, ….0824

Hi Joan, maraming sanhi ang pagkahilo, mula sa kakulangan ng sustansya gaya ng Hypoglycemia at iron deficiency anemia, pati na rin ang sakit sa puso, baga, utak, tainga, mata at iba pa. Magpatingin muna sa isang malapit na doctor para ma-DIAGNOSE ang sanhi ng pagka-hilo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Inaaanyayahan ko kayong lahat na sumanib dito sa ating kapisanan, ang BARANGAY KALUSUGAN, ang ating magiging ugnayan tungo sa pagpapaunlad ng ating kalusugan. I-text, ang inyong mga tanong dito sa Bandera, i-text ang pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606 o 09277613906.
Sundan sa Facebook at Twitter: [email protected].

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending