Marian bad trip sa pagkatalo kina Daniel at Kathryn


MAY pinagdaraanan ba ngayon si Marian Rivera? Naitanong namin ito dahil ang balita, nagiging mainitin na naman daw ang ulo nito ngayon at pabalang na uling sumagot sa mga interview.

Kuwentuhan ngayon sa bakuran ng GMA 7 ang ginawang pagtataray diumano ni Marian sa interview sa kanya sa isang event kung saan dumating din ang boyfriend niyang si Dingdong Dantes.

Ang tsika sa amin ng taga-Siyete, “In-interview si Marian, siyempre kumustahan, update tsikahan tapos para ma-promote ang serye niya na Carmela, tinanong kung okay lang ba kay Dingdong ang mga eksena nila ni Alden Richards o kailangang ipaalam pa rito lahat ni Marian ‘yung mga kilig moments nila.

“Nagulat ‘yung nagtanong at ‘yung cameraman kasi biglang sumigaw si Marian ng, ‘Bastos ka!’ sabay talikod. At nakunan daw ang eksenang ‘yun sa camera.

“Tapos ang masama, nagsabi pa raw si Marian na magsusumbong siya sa management kasi binastos siya. Ano’ng pambabatos? Tinanong lang naman kung okay lang kay Dingdong ‘yung kilig moments nila ni Alden?

At maski i-review ng management ang tape, makikitang walang masama sa tanong sa kanya. Tapos si Dingdong, pinacify na lang si Marian kasi mainit na ang ulo,” kuwento ng source.

Wala rin kaming makitang masama sa tanong bossing Ervin, unless may kulang sa kuwento sa amin at mas maganda nga kung i-review ang tape para magkaalaman na kung ano ang totoo.

Teka, baka kaya mainit ang ulo ng aktres ay dahil bina-bash na naman siya sa social media dahil talo ang serye niyang Carmela sa ratings game?

Susme, tumapat ba naman kasi siya sa Got To Believe nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, e, di suicide nga. Kita mo nga, segu-segundo ay nagte-trending worldwide ang GTB.

Bakit nga ba sa serye nina Daniel at Kathryn itinapat ang programa ni Marian? Bakit hindi sa The Legal Wife ni Angel Locsin para magkaalaman talaga kung sino ang may karapatang tawaging primetime queen at kung sino sa kanila ang mas maraming fans.

Going back sa taong nag-interview kay Marian, isang hamak na empleyado lang ito at sumusunod lang sa utos ng nakatataas sa kanya at kung magiging dahilan pa ito para mawalan siya ng trabaho ay sana mag-isep-isep ang sinasabing goldmine ng GMA dahil baka may balik ito sa aktres.

At sa mga reporter na kapag hindi type ng artista magpa-interview, dedmahin na lang kaysa matarayan pa kayo. Remember, pare-pareho lang tayong anak ng Diyos, nagkataon lang na magkakaiba ang trabaho, kaya huwag hayaang tapak-tapakan ang inyong pagkatao.

( Photo credit to Google )

Read more...