NAKASAMA namin si Asia’s Songbird Regine Velasquez and the one and only Concert King Martin Nievera sa presscon na ipinatawag ni kafatid na Jun Lalin for their upcoming Valentine concert on Feb. 14 (8 p.m.) at the SM Mall of Asia Arena.
Maagang dumating si Regine sa Luxent Hotel for the presscon and in fairness to her and manager-sister Cacai Velasquez-Mitra, mukhang unti-unti na naman silang nakaka-recover sa pagkamatay ng mahal nilang amang si Mang Gerry.
“Actually, matagal naospital ang tatay ko, mga one year din. Noon pa nagdelikado actually ito pero nagdasal akong patagalin pa ang buhay niya dahil hindi pa talaga ako ready that time.
“Kaya nu’ng mamatay siya, masakit pero kahit paano ay nakayanan ko. Iyak ako nang iyak pero pinipigil ko ang emosyon ko dahil kung hindi, tiyak na mamamaos talaga ako.
I am taking care of my voice dahil marami akong mga natanguang mga commitments. “There are times na naaalala ko ang tatay ko at napapaiyak ako pero sinusunod ko ang nabasa ko na ang pinaka-height naman ng iyak actually ng tao ay hanggang three minutes lang and if you cry more than that, kagustuhan mo na lang na i-prolong iyon.
Not because sobrang pinipigil ko ang pagdadalamhati ko, it’s just the crying ang binabawasan ko dahil mawawalan talaga ako ng boses,” ani Regine.
I told Regine how much we adored her lalte dad. Sabi ko sa kaniya, sa maikling panahong nakilala namin si Mang Gerry, siya ang tipo ng stagefather na never inilayo ang anak niyang artist sa amin.
Let’s not name names na lang pero iyon ang isang bagay na hindi namin makakalimutan of him. He was very supportive of Regine then – as in, he was everywhere basta may performance ang anak niya.
Pinakisamahan kami nang mabuti ni Mang Gerry, mabait siya sa mga fans at sa media. Sabi ko nga kay Regine, no offense meant, pero mas mabait ‘kako ang ama nila kaysa sa kanila mismong mga anak na pumasok sa showbiz.
That includes her actually, ‘no and she agreed. Ha-hahaha! In fairness to Regine, kahit kamamatay lang ng ama niya ay hindi siya nagpaliban sa mga rehearsals nila.
“Like the cliche that goes ‘the show must go on’ aptly applies to how Regine handles everything. She never missed out on any rehearsals, she’s very professional and I salute her for that.
I may say that the whole show is parang tribute na rin namin sa daddy niya,” ani Martin na napaka-gorgeous ngayon dala ng kapayatan nito at kaguwapuhan.
“Wala namang nabago sa line-up except for a song that I will dedicate to him. Hindi yung ‘Unchained Melody’ or ‘Leader of the Band’ na super favorite ng tatay ko. It’s a different song.
Kasi pag iyon ang kinanta ko, baka hindi ko kayanin. Bibigay at bibigay ako,” paniguro ni Regine. “Ako ang sasalo sa kaniya kaya I am learning the two versions of the song para pag hindi niya makanta ang ibang lines should she become emotional, I will sing her lines too. Ha-hahaha!” biro ni Martin na maaari ngang mangyari.
This “Voices Of Love” concert ay produced ng kaibigan nating si Ms. Ana Puno ng Starmedia Entertainment, IME and GMA Network. Si Ms. Ana rin ang palagi nilang producer sa mga concerts nila sa America, Canada at iba pang bansa.
Palaging full-packed ang concerts nila ever since kaya naging paborito silang kunin ni Ms. Ana sa kaniyang mga events.
Part of the proceeds of this Valentine concert will go to The Little Sisters of the Poor, one of the many Felix Co was a dedicated benefactor of. This show is also for the benefit of World Vision.
Martin and Regine…a beautiful partnership brought back together for a one-night major concert after 10 years, their “Voice Of Love” will indeed be a very special engagement for a Valentine’s Day to remember.
For ticket reservations, please call Starmedia at 854-3300 or buy kayo sa any SM Tickets. This concert will not be possible without the help of their presentors and major sponsors, PLDT Home, Bench, McDonald’s, Pacific Blue Shades and Watches, Victoria Court, Luxent Hotel, Farlin Baby Products, Bonakid Preschool, Zim Cleanser, Pest Off, Midas Hotel and Casino.
( Photo credit to Google )