Wally namayat nang todo, na-trauma sa sex scandal; Jose nagsumamo


Namayat nang husto si Wally Bayola matapos ang ilang buwang pamamahinga sa showbiz dala nga ng pagkakasangkot nito sa isang sex scandal. Ibig sabihin, talagang naapektuhan nang bonggang-bongga ang TV host-comedian sa mga nangyari.

Feeling nga namin, parang matagal na nagkasakit si Wally at ngayon lang nakaka-recover. Kitang-kita rin sa itsura niya nang muli siyang umapir nu’ng Sabado sa Eat Bulaga para sa birthday celebration ni Jose Manalo na hiyang-hiya pa rin siya sa mga nagawa niyang kasalanan – ang pagpatol kay EB Babe Yosh na kinambalan pa ng pagkalat ng kanilang sex video.

May nagsasabi naman na kitang-kita nila sa mukha ni Wally ang matinding pagsisisi, ramdam naman daw nila na talagang naghirap nang todo ang kalooban ng komedyante dahil sa nasabing video scandal.

Sey naman ng ilang nakausap namin, dama nila ang trauma na napi-feel ni Wally until now kaya sana raw pagkatapos ng ginawa nitong public apology ay magtuluy-tuloy na ang pagbabalik niya.

Pero sabi nga ni Jose, naniniwala siya na lahat ng taong sincere sa pagsisisi sa nagawa niyang kasalanan ay patatawarin din, kasabay ng pakiusap sa lahat ng dabarkads na sana’y bigyan nga uli siya ng pangalawang pagkakataon para makabangon uli, hindi lang para sa sarili niya, kundi para na rin sa kanyang pamilya.

Handa naman ang mga kasamahan ng komedyante na alalayan si Wally sa muli nitong  pagbabalik sa noontime show ng GMA 7

( Photo credit to Google )

Read more...