P-noy nahawa na sa mga katsipang gimik ni Kris; kinawawa sa Facebook, Twitter


Natawa ako sa mga reactions ng netizens sa naka-post na picture ni P-Noy habang nagre-renew ng kaniyang driver’s license sa LTO na umabot daw ng 26 minutes.

Ipinakita sa picture si P-Noy na kiyemeng nakipila sa pag-renew ng kaniyang lisensiya. “Iyan ang maliwanag na pakitang-tao para kuno-kuno ay ipakita sa taumbayan na kahit presidente siya ay pumipila siya.

Okay naman sana kaya lang, halatang isang malaking pubicity gimmick na naman nila ito para palabasing ordinary human being siya.

“Nakakatawa dahil sinong maniniwala sa kaniyang pipila being the president, aber? Obvious na nagpapabango lang siya sa taumbayan.

Lalo lang siyang napasama sa mata ng mga tao dahil halatang gimmick lang nila ito para pabanguhin ang pagkatao niya. Mabuti nga siya, 26 minutes lang pumila.

Kung kami iyon, 26 hours baka hindi pa tapos. Ha-hahaha!” anang isang reactor. “Trained ba ni Krissy ang kuya niya sa paggawa ng gimik para pag-usapan?” anang isa pang netizen.

Sari-saring mga komento ang nabasa namin. Naghahanap kami ng kahit isang positive reaction man lang from the reactors pero wala kaming makita.

Natawa tuloy kami – kasi nga, hindi na-achieve nina P-Noy ang plano nilang magpabango sa taumbayan with his pagpila sa LTO. Nagmukha pa kamo silang mga laruan na pinagpipistahan ng mga detractors niya.

Iyan kasi, hindi nag-iisip ng mga makatotohanang moves ang mga strategists niya. Akala kasi nila ay kaya pa nilang bolahin ang mga Pinoy. Hindi na, Oy!

Ano ba naman ang mga pinaggagawa ng mga tao ni P-Noy sa kaniya? Wala na ba silang maisip na matino-tinong pamamaraan diyan?

Isang kahunghangan naman yata ang papipilahin mo ang isang presidente sa LTO. Sinong maniniwalang pumipila talaga siya roon even if he’s just a senator noon?

Kahit hindi pa siya pulitiko for sure ay never pumila iyan dahil well-connected naman sila. For sure during their late mom’s time, baka mismong director pa ng LTO ang pinatatawag nila sa bahay nila para siya mismo (LTO director) ang mag-renew ng kanilang mga diver’s license.

Nakakaloka kayong mga Aquino. Mababaliw na ako sa inyo. Ha-hahahaha!

( Photo credit to INS )

Read more...