Vhong binatukan ng langit: Para sabihin sa akin na wag na akong lumandi!

“ISA itong wake up call sa akin…na wag na akong lumandi.” Ito ang isa sa mga natutunan ni Vhong Navarro sa iskandalong kinasasangkutan niya ngayon, matapos nga siyang bugbugin ng grupo ni Cedric Lee sa condo unit ni Deniece Cornejo ilang linggo na ang nakararaan.

Posibleng binatukan na siya ng nasa Itaas para magising agad sa katotohanan. Sa interview ni Ted Failon kay Vhong sa programa nito sa ABS-CBN, inamin ni Vhong na hanggang ngayon ay sariwang-sariwa pa rin sa kanyang isipan ang lahat ng ginawa sa kanya nina Cedric nu’ng gabing ‘yun, lalo na ang “pambabababoy” nito at ng iba pang kasamahan ng nakademandang negosyante.

Pero sa nasabing interview, maraming nabwisit sa TV host-comedian dahil parang bigla itong kumambyo pagdating sa ibinandera niya noong “pambababoy” ng grupo ni Cedric sa kanya, tila binawi ni Vhong ang tungkol sa ginawa diumano ng mga suspek sa kanyang ari.

“Yung sinasabi ko pong pambababoy, ang hirap po kasi ng ginawa sa ‘yo na naka-tape ka, binugbog ka, tinutukan ka ng baril, binaba yung pants mo, tapos nagtatawanan, naririnig mo.

Tapos may sasabihin ka pang mga ganito, na di mo ginawa, sa akin yun po yung pambababoy na ginawa po nila sa akin.”
Dinenay din niya na sinunog o pinukpok ng kung anong matigas na bagay ang kanyang pagkalalaki.

Pero sa interview niya kay Boy Abunda, yun ang parang tinutumbok ng kanyang naging pahayag, matapos niyang sabihin na binaboy siya, sinunod niya ang salitang “ari”, pero hindi na nga niya ito itinuloy dahil naiyak na siya.

So, posible kaya na pinayuhan siya ng kanyang abogado na huwag nang magsalita tungkol du’n?  So, kung wala ngang ginawa sa ari ni Vhong, totoo ang sinabi ni Cedric na hindi nila “pinaglaruan” ang pagkalalaki ng komedyante, sabi pa nga ng negosyante, “Bakit namin gagawin sa ari niya ‘yun, e, mga lalaki kami.”

Natanong si Vhong tungkol sa  kanyang martir na girlfriend, aniya, ito raw ang isa mga unang nakaalam tungkol sa nangyari, “Una natatakot po ako, mahirap po sa kanya na sabihin.

Kaya lang kung di ako magsasabi ng totoo sa kung anong nangyari, di po lalabas yung totoo eh. Kahit that time natatakot pa ko na baka iwan niya ako eh.

“Kaya sinasabi ko sa lahat, may kasalanan ako sa girlfriend ko. Kaya everytime na binabanggit ko yung pangalan, naiiyak ako kasi malaki po yung hinaharap niya ngayon na sakripisyo.

Sa lahat po ng ginawa ko andiyan pa din siya, ‘di niya po ako iniwan. Sinasabi niya sa akin, ayoko muna intindihin ang nararamdaman ko, mas gusto ko muna magfocus sa kung anong dinanas mo ngayon.

Naawa siya sa akin,” pahayag pa ng TV host. Hindi pa sigurado si Vhong kung makakabalik pa siya sa It’s Showtime pagkatapos ng nangyari., “Hindi ko pa po masabi.

Kahit sobrang miss na miss ko na magsayaw ulit, magpatawa ulit, namimiss ko yung mga katrabaho ko, hindi ko pa po talaga alam. Depende po sa sitwasyon at panahon.”

( Photo credit to INS )

Read more...