Vandolph manang-mana sa ina, handa nang pumasok sa politika


Speaking of Vandolph, nagpaplano na rin pala ang anak nina Mang Dolphy at Alma Moreno na pumasok sa politika. Nang makachika ng press ang komedyante sa presscon ng “ABNKKBSNPLAko!?” nalaman namin na tumutulong pala siya sa kanyang Mommy Ness sa pagsisilbi nito sa mga taga-Parañaque.

Sey ni Vandolph, nag-e-enjoy din siya sa pagsisilbi sa mga nasasakupan ng kanyang ina bilang konsehala at natutuwa siya dahil binibigyan siya ng pagkakataon ni Alma na makatulong sa kanilang mga kababayan sa Parañaque.

Chika ng comedian, kapag nagbigyan din siya ng chance, type rin niyang mag-konsehal at ituluy-tuloy na ang pagsisilbi sa kanilang mga kababayan.

Tungkol naman sa buhay may-asawa, in fairness, tahimik ang personal life ni Vandolph, wala tayong nababalitaang kanegahan tungkol sa kanyang pagiging asawa at ama.

Kung ang pagpapamilya ang pag-uusapan, mukhang swerte nga ang comedian. Ibig sabihin, faithful na faithful ang anak ni Mang Pidol sa kanyang misis, hindi tulad ng ibang artista riyan na walang ginawa kundi ang lokohin ang kanilang mga asawa. Sabi nga ni Vandolph, takot siya karma. ‘Yun na!

( Photo credit to E Santiago )

Read more...