Vice inireklamo sa MTRCB, ipakakastigo kay P-Noy


Nakakatawa ang nabasa naming parang petition against Vice Ganda sa Facebook. Merong isang guy ang nagrereklamo sa pang-i-spoof ni Vice Ganda kay Deniece Cornejo.

Bakit daw niya ginagawa ito on national television sa tanghaling tapat pa. At gamit na gamit daw ng stand-up comedian ang Kapamilya actress na si Denise Laurel. (Ginagamit ni Vice bilang substitute sa name ni Deniece Cornejo).

Gustong palabasin ng nagsulat na sitahin ng MTRCB si Vice  dahil sa spoof niyang ito. At nagbanta pa ang hitad na kung hindi aaksyon ang MTRCB ay sa pangulo ng Pilipinas niya irereklamo ang stand-up comedian.

Ang daming nabaliw sa ginawang letter ng hitad. Pinagtawanan lang siya nang todo dahil sa kanyang kabaliwan. Sino ba naman kasi ang nasa matinong pag-iisip na pati si P-Noy ay idadamay sa pagpetisyon kay Vice?

Read more...