Piolo at Lloydie tinuhog na ni Toni bago magpakasal kay Direk Paul


NAGMAMADALING umalis si Toni Gonzaga sa presscon ng comedy shows ng ABS-CBN including her sitcom with John Lloyd Cruz na Home Sweetie Home na napapanood tuwing Linggo pagkatapos ng Goin’ Bulilit.

May dubbing pa raw kasi siya para sa movie nila ni Piolo Pascual, ang “Starting Over Again” na ipapalabas na on Feb. 12.
Ang “Starting Over Again” ang Valentine offering ng Star Cinema sa direksyon ni Olive Lamasan.

And speaking of Valentine’s day, we asked Toni kung ano ang plano nila ng boyfriend niya na si direk Paul Soriano on Feb. 14.
“Ay, alis ako. Ah, international screening ng ‘Starting Over’. Oohhhh?! First time ko ma-experience ‘yun.

Wala pa, ngayon lang ako magkakaroon ng international screening. Excited na ako!” masayang tsika ni Toni sa amin.
Hindi makakasama si direk Paul sa kanya sa abroad para sa international screening ng movie  nila ni Papa P.

May trabaho raw kasi si Direk Paul. “Saka ang Valentine’s (day) naman pwedeng everyday ‘yun, e,” sabi pa niya. Bongga ang pasok ng 2014 kay Toni dahil back-to-back niyang nakatrabaho ang dalawa sa hottest leading men ng ABS-CBN.

Haba-haba ng hair ni Toni, huh! Sey namin kay Toni ‘di kaya pini-pair na sa kanya sina John Lloyd at Piolo dahil nagmamadali na siya habang single pa? Baka kasi any moment ay yayain na siya ni Direk Paul na magpakasal? “Hala! Hindi, wala pa.

Saka wala ‘yun sa babae. Sa tingin ko, nasa lalaki ‘yun kung kailan siya didiskarte.” Feeling namin this year na magpo-pose sa kanya ng kasal si Direk Paul, “Ow? Ngayon na ba ‘yun? Sobra ka naman.

Tingnan natin (last year sa pagiging single niya) syempre hindi naman natin masagot ‘yan. Ang alam ko may gagawin pa siya na isang movie this year.

Pero pang-international din ‘yun,” lahad ni Toni. Nu’ng nakaraang birthday ni Toni, dinner ang regalo sa kanya ni direk Paul, “Dinner for the whole family. Isang exclusive set menu dinner! Oohhh!” pagmamalaki ni Toni.

Tsika pa niya, “Lahat ng paborito kong food! From soup…pumpkin soup, mga ganoon. O, ‘di ba? Seven course meal ‘yun.”
Samantala, inamin ni Toni na sanay na siya ngayon sa mga intimate scenes nila ni John Lloyd sa kanilang sitcom.

Hindi lang daw halikan, yakapan at lapirutan ang ginagawa nila, lamas-lamas din daw pag may time. Kung noon ay hindi pa niya alam kung paano mag-react sa mga ganitong uri ng eksena, ngayon ay nasasanay na raw siya.

Anyway, bilang pasasalamat ng Kapamilya network sa mataas na rating ng Home Sweetie Home na nag-number one agad sa weekend charts, isang malaking treat ang ibibigay nila sa mga manonod ngayong Pebrero.

Hindi lang sa Home Sweetie Home kundi maging sa iba pang comedy show ng Kapamilya network tulad ng Banana Split, LUV U, Banana Nite at Goin’ Bulilit.

Read more...