Miles Ocampo in love kay Marco Gumabao


Speaking of LUV U, inamin ng isa sa mga bida ng programa na si Miles Ocampo na na-develop talaga siya sa ka-loveteam niyang si Marco Gumabao. Natural lang naman daw ‘yung ma-fall ka sa isang taong lagi mong nakakasama.

“Siguro po kung lagi talaga kayong magkasama, araw-araw, tapos ‘yung mga ginagawa niyong eksena eh sweet kayo, kahit paano naman po (nahulog ako),” sey ni Miles sa grand comedy presscon ng ABS-CBN.

Hirit pa ng dalagita, “Siyempre po palagi kayong magkasama, siyempre madadala po kayo sa flow ng mga pangyayari. Tsaka si Marco mabait po talaga, maalaga naman sa trabaho.”

Sey naman ni Marco nang tanungin kung posible bang ligawan niya si Miles, “Oo naman, lagi naman lahat may chance, wala naman akong kino-close na door. Lahat naka-open naman.”

Parehong balik-LUV U ang mga karakter nina Miles at Marco kaya tuwang-tuwa ang kanilang fans dahil muli nilang mapapanood ang dalawa.

( Photo credit to E Santiago )

Read more...