Granada nahukay ng aso; 5 sugatan

Ni John Roson

SUGATAN  ang isang ginang at lima niyang anak nang sumabog ang isang granada na nahukay umano ng aso sa ilalim ng kanilang bahay sa Laoac, Pangasinan, Huwebes ng gabi.

Dinala si Sarah Padaoan at mga anak niyang sina Fredalyn, 13, Simon, 11, Alfredo Jr., 10, Roderick, 8, at John Carl, 3, sa Provincial Hospital sa San Carlos City, dahil sa mga tinamong pinsala, ayon sa inisyal na ulat ng Ilocos regional police.

Naganap ang pagsabog dakong alas-7 sa Brgy. Calmay.

Sinasabing nahukay ng isang aso, na nakitang patay sa blast site, ang granada kaya ito sumabog.

Read more...