Wally balik-Eat Bulaga na; nag-sorry sa publiko dahil sa sex scandal

“SORRY po talaga.”
Ganito ang pahayag na binitiwan kanina ng komedyanteng si Wally Bayola sa programang Eat Bulaga, kung saan apat na buwan siyang nawala dahil sa sex scandal na kanyang kinasangkutan kasama ang isang miyembro ng EB Babe.
Sinorpresa ni Wally ang publiko nang mag-appear ito sa programa ng Eat Bulaga para sa pagdiriwang ng kaarawan ng partner nito at kaibigan na si Jose Manalo.
 “Kaibigan, sorry, sorry talaga…,” ang mainit na pahayag ni Bayola kay Manalo sa segment na “Juan for All, All for Juan.”
Mahigit apat na buwang nawala si Bayola matapos kumalat sa net ang kanilang sex video ng EB babe member na si Yosh, noong Setyembre.
Mahigpit na niyakap ni Manalo si Bayola habang matindi ang ginawa nitong pag-iyak at halos hindi na makapagsalita ng maayos.
“Sa mga manonood, sorry po talaga. Sorry sa aking mga kasalanan. Bigyan niyo po ako ng isa pang pagkakataon,” ang pagsusumamo ni Bayola.
Ikinatuwa naman ni Manalo ang naging pag-amin ng kaibigan sa pagkakamali nito. “Ang importante, nandito ka sa harap ng mga tao at inaamin mo lahat ng kasalanan mo,” pahayag ni Manalo.  “Tandaan mo ang Diyos, hindi marunong magparusa, hindi ka paparusahan,” dagdag pa nito.
Bago pa ang paglabas ni bayola sa GMA, ilang beses na rin nakikita si Bayola na nagpe-perform sa Zirkoh Comedy Bar sa Quezon City bilang standup comedian.
Nag-dialogue pa si Wally kay Jose ng, “Sorry, hindi ako nakinig sa ‘yo.” Na sinagot naman ng kanyang partner ng, “Ang tigas kasi ng ulo mo, e.”Nagkaiyakan din sa studio ng Eat Bulaga habang humihingi ng patawad sa mga tao si Wally.

 

Read more...