Andi Eigenmann nanganak na

ISANG malusog na baby girl ang isinilang ni Andi Eigenmann nu’ng Miyerkules nang hapon. Dakong 5:20 ng hapon nanganak ang aktres via  caesarian section sa isang private hospital.

May bigat na 7 lbs and 8 ounces ang baby ni Andi na pinangalanan niyang Adrianna Gabriellie.

Normal delivery sana ang gustong paraan ng panganganak ni Andi, pero ang advice nga sa kanya ng mga doktor ay medyo delikado ito kaya pumayag na rin siya na i-caesarian siya. Hanggang kahapon ay nasa recovery room pa rin si Andi.

Medyo nalungkot naman ang nanay ni Andi na si Jaclyn Jose dahil wala nga siya sa tabi ng kanyang anak nang manganak ito. Sinisi pa ni Jaclyn ang sobrang traffic kaya hindi siya nakarating agad sa ospital.

In fairness, marami talaga ang bumilib sa tapang at paninindigan ni Andi bilang isang dalagang ina.

Kung ibang kabataan nga naman daw ‘yan ay baka nagpalaglag na o baka nagpakamatay na lalo na’t walang tatayong ama ang bata.
.

Read more...