Jinkee Pacquiao nagmamaasim na raw

Pinasusubalian ni Jinkee Pacquiao ang balitang hindi sila magkasama ni Manny Pacquiao sa isang hotel nitong nakaraang laban ni Pacman with Marquez sa Las Vegas, Nevada.

Pinararating niya sa amin through her confidant Bernard Cloma na mali ang chikang iyan.

At sinabi rin daw ni Jinkee na galit siya sa mga alipores ng kanyang asawa kaya ayaw na niyang magsalita.
“Ipapaputol ko ang akin kung mapatunayan niyang magkasama sila sa hotel.

Totoo namang magkaiba sila ng tinuluyang hotel ni Manny, ‘no! Lahat sa States ay alam na magkahiwalay sila ng  hotel. Ano naman ang masama du’n, aber? Guilty ba siya of something?

Puwede namang magkahiwalay ng hotel dahil bawal kay Pacquiao ang mapagod before the fight. Masyadong madrama na talaga itong si Jinkee.

“Marami nga akong nakausap na irita sa kanya dahil hindi man lang daw nambabati o namamansin. Parang napakamahal ng kanyang ngiti!” anang isang nagsu-swear na totoo ang ikinuwento niya sa amin.


Well, kebs na ni Jinkee sa mga isyu-isyung tulad nito. Ang mahalaga ay nadagdagan na naman ang kayamanan nila.

Yes, Pacquiao is P1.5 billion richer now. Kesehodang mawasak ang kanyang face basta ba puno naman ang kaban niya, why not coconut?

Ang balita nga namin, payag na raw makipag-rematch ulit si Marquez sa kanya sa isang kundisyon – a guaranteed prize money na US$25 million. Pag hindi raw sila pumayag sa demand ni Marquez, mas gugustuhin na lang daw nitong magpahinga na muna sa boxing.

Kagatin kaya ng promoters nila ang hamon na ito ni Marquez. Baka pag natuloy, malamang na matutulog na raw si Pacman sa kangkungan. Kaya?

Read more...