Kc susunod nang lilipat sa TV5?

Pagkatapos  pumirma ng 5 taon kontrata ni Mega

Isang bilyong piso sa limang taon. ‘Yun ang lumulutang na halaga ng kontratang pinirmahan ni Sharon Cuneta sa TV5. Bongga, sabi nga ng mga nakakausap namin, napakatindi pa rin ng asim ng Megastar para bigyan siyan ng ganu’n kalaking halaga ng kontrata.

May mga bumabasag ngayon sa ginawang pagpili ni Sharon sa TV5, pinalalabas ng mga ito na ipinagpalit daw ni Sharon ang kanyang loyalty sa ABS-CBN sa isang bilyong piso, hindi maganda sa panlasa ang ganu’ng pananaw.

Unang-una, hindi ang klase ni Sharon ang maghahangad ng pera kesa sa katapatan, busog na busog na siya sa mga materyal na bagay kaya hindi pera ang tiningnan niya sa paglipat kundi kasiyahan ng kalooban.

Hindi pa ba naman sapat ang dalawampu’t limang taon para matawag na loyalty? Nagsisimula pa lang uli noon ang ABS-CBN nang pumasok siya sa network, nanatili siya du’n nang mahigit na dalawang dekada, at ngayon lang siya nagdesisyong lumipat ng bakuran.


Para kay Sharon ay hindi na masama ang dalawampu’t limang taong ipinaglingkod niya sa Dos, magkasama silang lumaki, nagkatulungan sila ng network.

Ngayon ay nagsisimula naman ang TV5, nagpapalaki pa lang ng nasasakupan ang balwarte ni Mr. Manny V. Pangilinan, siguro naman ay walang masama kung sumugal uli siya sa isang papalaki pa lang na istasyon.

Si Sharon pa ba naman ang maghahangad nang isang bilyong piso? Kahit hindi na siya magtrabaho ngayon ay kakayanin pa ring mabuhay nang masagana ng kanyang pamilya dahil sa laki na ng kanyang naitabi, kaya sa paglipat niya sa TV5 ay hindi prayoridad sa usapan kung gaano kalaki o kaliit ang kikitain niya, kundi ang kasiyahan ng pagtatrabaho sa iba namang kapaligiran.

Ang tanong ngayon ng marami ay kung may plano na rin bang lumipat sa TV5 ang kanyang anak na si KC Concepcion?
Napakaraming nagaganap ngayon na mahirap ipaliwanag, pero nangyayari, nagkakagulatan na lang tayo dahil nasa TV5 na pala ang malalaking artista.

Hindi imposible ‘yun, lalo na’t hindi rin naman nabibigyan ng magagandang proyekto sa Dos si KC, ‘yun ang sinasabing matunog na dahilan kung bakit nagdesisyong lumipat na sa TV5 ang Megastar.
Importansiya.

Read more...