Willie talbog sa talent fee ni Mega

Pumirma na si Sharon Cuneta ng limang taong kontrata sa TV5 nuong Martes ng hapon kasama ang dalawang manager niyang sina Viva big boss Vic del Rosario, Sandra Chavez sa harap nina TV President and Chief Executive Officer Atty. Ray Espinosa at Chief Operations Officer Bobby Barreiro.

Wala sa contract-signing ang chairman ng TV5 na si Manny Pangilinan.Actually, hindi na ito nakakagulat na balita dahil matagal na rin naming naisulat dito sa BANDERA ang paglipat ng Megastar sa TV5.

Ang gustong malaman ng lahat ay kung totoong P1 billion ang talent fee ni Sharon? Kaagad itong itinanggi ng aming reliable source, walang one billion, Reggee, saan ba galing yun.

Its  a P3 million a week multiply by 260 weeks equals P780 million, so malayo pa sa 1 billion, siguro round off na lang. Sharon is the highest paid talent that TV5 have and next is Willie Revillame. Magaling si boss Vic, eh.

Ha-hahaha! Kasama raw sa kontrata ni Mega ang isang daily show, isang reality show at pelikulang pagsasamahan nila ng ex-husband niyang si Gabby Concepcion.

Hindi na magagawa ni Sharon ang “Call Center” movie niya sa Star Cinema at pinagpipilian daw kung sino kina Kris Aquino at Eugene Domingo ang papalit.

Read more...