Piolo, Kc agaw-eksena sa Star Awards

MAAGA pa lang ay halos puno na ang Newport Theater sa Resorts World sa Pasay City noong isang gabi para saksihan ang 25th PMPC Star Awards for TV.

Since silver year na nila, maraming celebrities ang namataan naming dumalo headed by PMPC’s president Melba Llanera.

Nakakatawa dahil may kaistupiduhan din talaga ang ilang staff ng nasabing theater.

Mantakin mo ba namang ayaw papasukin ng theater nung una si Melba kahit naka-gown ito dahil hindi siya nakilala ng isang male staff.

Nagpakilala na’t lahat-lahat si Melba ay ayaw pa rin siyang papasukin. Muntik ko nang talakan pero pinasaringan ko talaga.”Hindi po namin kasi siya kilala,” anang male staff.I agree, 100% pero sabi ko naman, okay lang yung hindi siya nakilala sa simula pero nang magpakilala na si Melba that she is the president of the organization, ang may pakana sa nasabing event, aba’y dapat na igalang na ito ng kung sinumang Pontio Pilato sa gate, di ba?

She is not stupid to wear a gown that night para lang mag-gatecrash sa isang awards night. “Kayo naman, nagpakilala na nga ang tao na siya ang presidente ng PMPC, ano pa ba ang gusto ninyong sabihin niya para papasukin n’yo?

If not for her and her group, walang event ngayon, ‘no! You’re such a waste of energy!” talak ko sa nagmamagandang male receptionist na iyon.

Back to the awards night, sayang at hindi ko narinig ang thank you speech ni Kuya Boy Abunda when he received his Hall of Fame trophy sa pagiging consistent winner ng Best Male Showbiz-Oriented Talkshow Host for 15 straight years.

Galing daw ng speech na iyon kung saan ang idolo nating si Ms. Nora Aunor ang nag-abot ng trophy kay Kuya Boy.

“Napakinggan ko ang speech ni Kuya Boy, galing! Wala siyang kodigo tulad ng iba, ha!” pagmamalaki ng anak-anakan kong si Gov. ER Ejercito na siyang nag-present for the Best Drama Actress category, the last and final award na iginawad that night. Kasama ni Gov. ER ang napakaganda niyang asawang si Pagsanjan Mayor Maita Ejercito.

Nanayo ang mga balahibo ko sa thank you speech ni Iza Calzado para sa posthumous award na iginawad sa kanyang late dad na si Kuya Lito Calzado who passed away a few days ago. She was so articulate and eloquent. nakakaiyak ang message niya.

Love it, Iza. Yes, huli man ngunit naihahabol pa rin, my condolences to you and your family. I was abroad kasi nang mabalitaan kong Kuya Lito left us already.Hindi ko feel ang message ng Lifetime Achievement for News & Current Affairs na si Jessica Soho that night.

I don’t have questions kung bakit siya pinarangalan, never doubted on her brilliance as a journalist kaya lang, her speech which she read via a kodiko sounded very self-serving.

Yung sinasabi niyang marami na siyang natutunan, marami na siyang narating, etcetera – parang sobrang galing na niya like no other. Mas maganda sana kung iba na lang ang nagpapuri ng ganito sa kanya, hindi yung sa mismong bibig niya galing.

It sounded off lang. Tsaka yung mga pasaring about their GMA 7 slogan na nagseserbisyo-publiko na walang kinikilingan, walang pinapanigan and so on and so forth – parang uncalled for. Parang nagpaparinig sa ABS-CBN.

Napaka-neo ng dating. Parang batang nakikipag-away or what. I don’t know about her. Basta may yabang factor ang dating.Napakaganda ng speech ni tita Cory Vidanes when she received the trophy for ABS-CBN as the Best Station.

Very simple speech ng pagpapasalamat sa PMPC – sa tiwala na ibinigay sa istasyon. Sinabi ni tita Cory na patuloy na magbibigay serbisyo ang ABS-CBN sa lahat ng Filipino sa buong mundo.

Walang pasaring, very cool and natural. Sana ganoon. Wala nang parunggitan, di ba?Nay Cristy Fermin wasn’t around to receive her honors as this year’s Best Female Showbiz-Oriented Talkshow Host. She was taping an episode for her TV job sa TV5.

But it’s alright, ang mahalaga, she deserved to win.I am very happy with the honors na tinanggap ng apat na much-deserving that night: sa love kong si Enchong Dee who bested everyone sa Best Single Performance by an Actor; Anthony Taberna who won over many named newsmen sa husay nito sa Iba-Balita (Studio 23); and Best Female Newscaster Vicky Morales whom I’ve always admired dahil sa kanyang sincere newscasting. And of course, sa mahal nating si Ms. Ai Ai delas Alas who romped off with two trophies – Best Comedy Actress and Best Single Performance by an Actress.

Kudos din pala sa kafatid nating si Allan K who won the Best Male TV Host for Eat Bulaga. Nakakatuwa dahil this is Allan K’s first-ever kaya I am very happy for him too.

Sa special citation that night, parang sinadyang panalunin bilang Male Face of the Night si Piolo Pascual and Female Face of the Night naman si KC Concepcion.

Natawa ako sa simpleng pasaring ni KC sa kanyang speech – “call it coincidence”. Hindi raw talaga nagpansinan ang dalawa that night.

“Nakakaloka si Piolo, ayaw naman nilang hayagang amining break na sila ni KC pero sana man lang, nagpaka-gentleman na lang siya when KC was around.

“Kaso, pumunta siya sa backstage at nang wala na si KC sa stage, tsaka siya bumalik! Ano ba ‘yun?” tanong ng isang nabuwisit kay Papa P that night.

Read more...