Binoe, Mariel lugi sa bagong pelikula, di pa bawi sa puhunan

MARIEL RODRIGUEZ AT ROBIN PADILLA

“MILD hit” ang terminong ginamit ng isang taga-ABS-CBN para as resulta sa takilya ng pelikulang “Sa Ngalan ng Ama, Ina at mga Anak” na pinagbibidahan ng mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez, kasama ang iba pang Padilla na sina Rommel, RJ, Matt, Kylie, Bela at Daniel.

Ang balita, umabot na raw sa mahigit P22 million ang kita ng pelikula simula nang mag-showing ito last week.

“Hindi naman flop tulad ng sinasabi ng iba, hindi lang siya kasing lakas ng sinasabing blockbuster and since it’s still showing, baka naman madagdagan pa ang 22 million,” paliwanag ng aming source.

Nabanggit namin na umabot daw sa P80 million ang gastos ng pelikula kasama na ang promo na sinagot na nga ng Star Cinema, ang tanong, posible pa bang mabawi ito?

“Well, I doubt kasi next week, palabas na ang ‘Starting Over Again’ nina Piolo (Pascual) at Toni (Gonzaga), e, alam mo namang maraming nag-aabang, di ba? Definitely, mawawala na ang ‘Sa Ngalan ng Ama, Ina at mga Anak’, unless may mga sinehan na hindi magpu-pull out,” katwiran pa sa amin.

Nakakahinayang naman kung hindi mabawi ni Binoe ang puhunan nila dahil ito ang dahilan kaya inabot ng mahigit dalawang taon bago natapos ang pelikula, kinapos kasi siya sa budget at maging ang asawang si Mariel ay naglabas na rin ng sariling pera.
Anyway, mukhang hindi na rin iniisip ni Binoe kung kumita o hindi ang pelikula nila dahil masaya na siya sa magagandang reviews na nababasa niya tungkol dito.

Read more...