Mang Gerry mahal na mahal ng mga taga-showbiz

MANG GERRY AT REGINE VELASQUEZ

NAPATUNAYAN ni Regine Velasquez na napakarami talagang nagmamahal sa kanya, umapaw ang mga mensaheng pakikiramay sa iba’t ibang social networking sites para sa namayapang ama ng Asia’s Songbird na si Mang Gerry.

Hindi lang mga kilalang celebrities ang nagpaabot ng kanilang pakikidalamhati sa pamilya ni Regine, kundi pati na rin ang milyun-milyong tagasuporta ng singer-actress-TV host.

Ang ilan sa mga malalapit na kaibigan ng Songbird at ng asawa niyang si Ogie Alcasid na agad nakiramay matapos ngang kumalat ang balitang patay na si Mang Gerry ay sina Lani Misalucha, Zsa Zsa Padilla, Lea Salonga at Martin Nievera.

Sabi nga ng Concert King sa kanyang Instagram account, “The angels in heaven now have the perfect singing coach and mentor. I miss you already Papa Gerry…We dedicate our ‘voices’ to you.”

Sey naman ni Lea, “Always present, forever supportive. I don’t think of Reg without thinking of you. To Ogie and Regine, you are in our prayers and we send hugs to you and your family.”

Isa pang malapit na kaibigan ni Regine na si Donna Cruz ang nagpaabot ng kanyang pakikiramay, “Si Tito Gerry po ay parang papa ko na palaging kasama din ni Reg sa trabaho before at ako naman ang papa ko kaya kilalang-kilala po ng lahat si Tito Gerry na isang mapagmahal at maalagang ama.”

“Our deepest condolences to you and your family Reg You’re all in our thoughts and prayers!” aniya pa.

Hindi rin nakalimot sina Jed Madela, Mark Bautista, Aiza Seguerra, Christian Bautista at Ryan Cayabyab.

Samantala, sa lahat naman ng fans ni Regine, tuloy pa rin ang pag-ere ng morning cooking show ng Songbird na Sarap Diva sa GMA 7. Matagal nang nagawa ni Regine ang Valentine episode na ito kaya huwag nang intrigahin pa kung makikitang masayang-masaya pang nakipag-bonding ang TV host-singer sa kanyang mga special guests.

Isa sa mapapanood sa Sarap Diva bukas ng umaga ay ang nakaka-inspire na wedding proposal ng isang lalaki sa kanyang kasintahan. Meet Jay, a 26 year old graphic artist and photographer who after a year of waiting has found the perfect moment to pop the question on national TV. Habang ang dyowa naman niyang si Maita ay walang kaalam-alam sa magaganap.

Magiging accomplice ni Regine sa eksenang ito si Ryan Agoncillo, who will be preparing a special breakfast combo-meal as he gives tips and inspires Jay in his plans of proposing and settling down with the love of his life.
Kaya saksihan ang nakakain love na Valentine episode na ito ng Sarap Diva bukas ng umaga sa GMA lang.

Read more...