During commercial break nu’ng grand finals ng “That’s My Tomboy” ay nagbibiruan ang hosts na sina Billy Crawford at Vice Ganda. Tinutukso-tukso ni Vice si Billy na nade-develop na sa kanya sa araw-araw na pagsasama nila bilang hosts ng noontime show sa Kapamika network.
Kasalukuyan kasing nasa ospital ang isa pang host ng show na si Vhong Navarro. Kaya sa buong programa, sina Vice at Billy lang ang nagbabatuhan ng jokes at punchlines.
And then, kahit off-cam nagkukulitan pa rin sina Vice at Billy. Tapos sinabi ni Vice kay Billy sasabihin niya kay Coleen Garcia, na nililigawan ngayon ng international singer at host din sa It’s Showtime, na nade-develop na ang dating boyfriend ni Nikki Gil sa kanya.
Sumigaw naman si Billy ng, “Uy, hindi totoo ‘yun. Coleen huwag kang maniwala!”
Nagkatawanan sa loob ng studio habang ang iba’y kinilig. Nasa backstage naman that time si Coleen kausap ang cousin at best friend niya na si Ria Atayde, anak ng character actress na si Sylvia Sanchez.
Sa dressing room ay nakatsikahan namin si Vice at binati na rin dahil confirmed na siya ulit ang tatanghaling Phenomenal Box-Office Star this year. Naideklara na kasi na ang last movie niya na kasali sa Metro Manila Film Festival na “Girl, Boy, Bakla, Tomboy” ang highest all-time box-office movie ngayon.