Video ni Cristine sa loob ng train sa Dubai ang sama-sama

CRISTINE REYES

MAGALING magpatutsada itong si Cristine Reyes.

Kasi naman, while riding on a train sa ibang bansa ay kumakanta pa ang hitad ng “napakabango, napakabango dito guys”.

Talagang wala siyang tigil sa kakakanta. Kasama pa nga niya ang ex boyfriend niyang si Rayver Cruz sa video na kanyang ipinost recently. Kuha yata ‘yon sa Dubai.

Anyway, while she was singing, a girl at her back was kinda reacting na kakaiba sa kanyang ikinakanta.

Nakatakip kasi ito ng ilong. So, ang dating, parang nagsisinungaling si Cristine, na hindi mabango sa sinakyan nilang train kundi mabaho.

Marami nga ang nag-react sa video na ‘yon ni Cristine. They felt na bad ang ginawa ng younger sister ni Ara Mina.

Read more...