Driver ka rin ba? (Part 4)

ALAM mo ba na kapag na nagmaneho ang student driver at wala siyang kasamang lisensiyadong driver ay mumultahan siya ng P500?
Ang konduktor ng behikulong “For hire” ay kailangang lisensiyado rin.  Kapag walang lisensiya, ang multa ay P500.
Bawal imaneho ang sasakyang di rehistrado ay mali-mali o kulang ang rehistro nito. Kapag ito’y minaneho, at walang pagsang-ayon ng may-ari o operator, ang multa ay P2,000.
Kung ang driver ay siyang nagpoproseso ng rehistro pero pinatakbo pa rin ang sasakyan nang di patungo sa registration center, ang multa ay P4,000.
Sa parehong paglabag maaaring ma-impound ang behikulo at samsamin ang mga plaka.  Maibabalik lamang ang mga plaka kapag rehistrado na ang behikulo.
“For registration” ba ang sasakyan mo?
Kaibigang kapwa driver, marami pa kaming tip para sa iyo.  Sundan bukas.  Hasta la vista.

Lito Bautista, Executive Editor – BANDERA
September 9, 2009

Read more...