Relasyong Luis-Angel seryoso na, malapit nang magpakasal


Aliw na aliw kami sa isang production number ng ASAP sa Dubai last Sunday. Natural comedian talaga ang ampon naming si Luis Manzano sa ginawa niyang dance number kasama ang mga magagaling na dancers ng programa.

Though marunong kumembot ang kumag, ang kanaturalan niya on stage ang mas lalong nagbibigay ng matinding sex appeal sa kanya. Ha-hahahaha!

Naniniwala kaming masaya ang puso ng binata ng aming dear friend-idol na si Gov. Vilma Santos-Recto. Kitang-kita rito ang kakaibang glow at sigla na madaling maramdaman ng mga nakakakita sa kanya.

Marami  kaming positibong feedback na natatanggap sa aming programa sa DZMM tungkol sa balitang pagkakamabutihan nila uli ni Angel Locsin. Seryoso na raw ang dalawa sa kanilang relasyon.

May mga nagkukuweto rin sa amin na dumadalas na ang paglabas-labas nila, as in “date” at nagkakaisa ang mga nakakakita sa kanila na very soon ay muli silang haharap sa publiko at sasabihing nanumbalik na nga ang tamis ng kanilang pag-iibigan at handa nang magpakasal. Ha-hahahaha! Kasal agad?

( Photo credit to Google )

Read more...