Pag-aralan ang negosyo

Sulat mula kay Esther ng Barangay Villaverde,
 Iligan City  
Dear Sir Greenfield,
Nalugi hanggang sa nagsara ang pabrika na pinapasukan ng asawa ko. Pero dahil mabait sa kanya ang kanyang amo ay binigyan siya ng separation, service at loyalty pay.  Kaya ang kanyang iniuwi ay hindi maliit na pera habang ang mga kasamahan niya ay separation pay lang ang nakuha.  Sapat ang pera para matustusan ang araw-araw naming pangangailangan pero ayaw naman namin na maubos na lang dito ang benepisyo mula sa kanyang trabaho.  Kaya magsisimula kaming mamuhunan sa negosyo ngayon.  Susuwertehin kaya kami sa negosyo?  Anong negosyo ba ang angkop sa amin?  Ang birthday ko ay October 19, 1971 at May 9, 1971 naman ang birthday ng asawa ko.
Umaasa,
Esther ng Barangay Villaverde, Iligan City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Malinaw ang Business Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad at sa palad ng mister mo.  Ang ibig sabihin nito ay tama ka, magnegosyo kayo.  Pero kailangang matutuhan muna ninyo ang papasuking negosyo at kailangang angkop ito sa inyong suwerte.  Tiyak ang magaganap—sa nasabing negosyo ay uunlad kayo, yayaman at tuluy-tuloy na aasenso.
Cartomancy:
Ace of Hearts, Jack of Diamonds at Four of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing bukod ngayong taon, susuwertehin din kayong mag-asawa sa pagsisimula ng negosyo hanggang sa taon 2015.   Itutuloy

Read more...