Edsa gagawing Cory Aquino ave., payag ka ba?

Ni Leifbilly Begas

ISANG resolusyon ang inihain sa Kamara de Representantes upang palitan ang pangalan ng Edsa at gawing Cory Aquino ave.

Batay sa inihaing House bill 5422 ni Bohol Rep. Rene Relampagos makatwiran ipangalan kay Aquino, ina ni Pangulong Aquino, ang makasaysayang Epifanio delos Santos ave.

“Aside from being one of the longest avenues in the country, Edsa has become synonymous to the People Power Revolution—and in effect—to democracy,” ani Relampagos.

“Indeed, one cannot think og the 1986 Edsa Revolution without thinking of Corazon C. Aquino. Even after her term as President of the Republic, she lived her life fighting for democracy, as she goes out of her way to fight for justice and truth, for peace and democracy.”

Ang panukala ay inihain noong Oktubre 13 at ipinadala na sa House committee on public works and highways upang doon pag-usapan. Bago naging Edsa, ang pangalan ng naturang kalsada ay Highway 54. Naging Edsa lamang ito sa bisa ng Republic Act 2140 noong 1959. Si Epifanio delos Santos ay isang Filipino historian.

PAYAG KA BA RITO?

Read more...