NAGSAMPA ng P15 milyon damage suit ang mga kamag-anak ng mga biktima ng Maguindanao massacre laban kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.
Ayon sa mga kamag-anak, dapat managot si Arroyo sa masaker noong 2009 kung saan napatay ang 58 katao, 32 rito ay mga mamamahayag.
Nagtungo ang kamag-anak ng 13 mamamahayag at dalawang sibilyan sa Quezon City Regional Trial Court kahapon ng hapon.
Kasama nila ang kanilang mga abogadong sina Harry Roque, Rommel Bagares at Gilbert Andres.
Ani Roque sa interview sa radyo: “Gloria Macapagal Arroyo aided and abetted the Ampatuans. She gave them guns. She gave them resources.
She issued the executive order that gave legitimacy to the private army of the Ampatuans. She also gave the Ampatuans influence to have a sense of impunity so that whatever they did, they would not be punished.”Butata sa SC
Samantala, ibinasura ng Korte Suprema ang hirit na temporary restraining order ng kampo ni Arroyo para sa pag-iral ng desisyon ng Comelec-DoJ panel.
Ito sana ang inaasahan ni Arroyo upang mapawalang-bisa ang ginawang pag-aresto sa kanya. Ito rin sana ang pipigil sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) upang hawakan ang criminal case na electoral sabotage.
“There is no temporary restraining order or a status quo ante order,” ani Jose Midas Marquez, ang court administrator at spokesperson.
“The prayer for TRO is not yet being resolved because the court would like to see and go over the comment of the government,” dagdag ni Marquez.
Inatasan ng SC en banc ang Department of Justice at Commission on Elections (Comelec) na magpaliwanag hinggil sa tatlong petisyon ng mga Arroyo.
Kabilang na rito ang dalawa na kumukuwestiyon sa constitutionality ng DoJ-Comelec panel at sa isa na humihiling na ipawalang-bisa ang paghahain ng criminal case sa Pasay court na siyang nagpalabas ng warrant of arrest.
Binigyan ang DoJ at Comelec nang hindi lalagpas sa limang araw para magkomento.Itinakda ang oral argument sa Nobyembre 29.—Inquirer