Bulag sa kabastusan at kayabangan ng ka-loveteam, Kim kumampi kay Xian Lim


Hala, hindi kami makapaniwala sa tsika ng  common friends namin nina Xian Lim at Kim Chiu. Sa halos mga intrigang kinaharap nila simula nang mag-promote sila ng movie nilang “Bride For Rent” hanggang sa maipalabas ito (umabot na raw sa P300 million ang kinita nito), aba’y marami ang nakakapuna sa tila pagbabago umano ng “take” (read: stand and belief…as if yun ang clues) ni Kim sa mga bagay-bagay tungkol sa ka-love team.

Kung dati kasi mga Ka-BANDERA ay laging willing mag-share ng tsika si Kim on her special bonding with Xian kahit saan siya magpunta, ngayon ay tipid  na itong magsalita.

“Saka parang mas pinoprotektahan pa raw nito si Xian ngayon kahit marami na ang nagsasabing uma-attitude na talaga ito at sobra na ang pagiging taklesa,” sey ng  kausap namin.

Kung dati ay parang napaka-liberal pa ni Kim na pakinggan ang mga sides ng kuwento, ngayon daw ay parang may kung anong “sapi” ito kapag ang ka-loveteam na ang napag-uusapan.

May dagdag tsika pa silang mas nagiging emosyonal si Kim kapag “nega” ang naririnig nito tungkol kay Xian kaya’t nagkakaisa sila ng haka-haka na mukhang in love na ito sa kontrobersiyal na aktor.

Hmmmmm…we would like to hear Kim’s story first before we can make our comment on this pero dahil hindi naman mga taga-showbiz ang kausap namin, kaya may shadow of truth talaga kaming nararamdaman.

( Photo credit to Google )

Read more...