Tatay ni Regine patay na


SUMAKABILANG-BUHAY  na ang tatay at tumayong mentor ni Regine Velasquez na si Gerardo Velasquez o mas kilala sa tawag na Mang Gerry, kahapon ng tanghali dahil sa heart failure. Si Mang Gerry ay 76 years old.

Tanda namin, labas pasok sa ospital ang tatay ni Regine noong nakaraang taon at sa huling pakikipag-usap namin sa kanya ay nabanggit niyang bumuti na ang kundisyon nito at umaasang makakasama pa nila ito nang mahaba-habang panahon.

Nakatira si Mang Gerry sa isa pa nitong anak na si Cacai Velasquez-Mitra, ayon kay Songbird kahapon ay pumunta sila ng ospital para magpa-check up, pero bandang alas-dos kahapon ng hapon ay nakatanggap na kami ng balitang wala na nga ang tatay nina Regine.

May presscon pa si Regine kahapon ng tanghali para sa show nila ni Martin Nievera, siya pa nga ang nagsabing nagpapa-check up ang ama, ngunit ilang sandali lamang ay pumanaw na ng aito.

Our sincerest condolences sa buong pamilya  ng Velasquez.

( Photo credit to E Santiago )

Read more...