Deniece Cornejo: Hindi ako natatakot kahit kanino, handa akong mamatay! | Bandera

Deniece Cornejo: Hindi ako natatakot kahit kanino, handa akong mamatay!

Ervin Santiago - February 04, 2014 - 03:00 AM


KUNG babasahin n’yo ang iba’t ibang blogs at entertainment website sa internet, mas marami pa rin ang naniniwala kay Vhong Navarro kesa sa diumano’y biktima ng pangmomolestiya ng comedian na si Deniece Cornejo.

Sa halip nga na maawa at makisimpatya kay Deniece ang publiko ay mas lalo pa siyang nadiin sa live guesting niya sa Startalk ng GMA noong Linggo kung saan ininterbyu nga siya nina Heart Evangelista at Butch Francisco.

Dito nga natanong ang modelo kung ano ang feeling na mas maraming kakampi si Vhong kesa sa kanila ni Cedric Lee, “Una po sa lahat, nauunawaan ko po dahil marami po ang nagmamahal at sumusuporta po kay Kuya Vhong, at trabaho lang po ng mga tao na…sa mga media, gawin po yung trabaho po nila. Masakit pero kinakaya.”

“Kung mapapansin nyo po, lagi na lang po ang panig ni Vhong…hindi pa po naririnig, hindi pa po nabibigyang-pagkakataon magsalita ang mga taong naapektuhan, at biktima,” sey  ni Deniece.

Sa ngayon ay walang kinatatakutan ang dalaga, “Kung wala kang ginagawang mali, wala kang kailangang ikatakas, walang kailangang ikatakot. Alam mo ang katotohanan, alam mo kung saan ka, ano ang ang limitasyon mo.

Iyon lang po,” aniya pa. Ano raw ang ginagawa niya para makayanan niya ang problemang ito sa buhay niya? “Nagdadasal po ako gabi-gabi po. Ever since, God-fearing po ako, e.

Trabaho ko pong magpabago, mag-inspire, magsalita sa maraming tao. Iyon po.” Sinagot din ni Deniece ang tanong ng bayan kung totoong maraming ginalaw sa mukha niya kaya ibang-iba na ang itsura niya ngayon, “Kahit ikutin pa po nila sa buong mundo lahat ng klinika, wala po akong ipinabago.

Aside du’n sa ipin, dahil bata pa po ako nun at wala naman pong masama kung magpa-brace. Iyon lang po.” Ano ang masasabi niya sa mga hindi naniniwala sa kanya at kay Vhong na inihahabla niya ng attempted rape? “Yung mali? Habang buhay mong dadalhin ‘yan.

Hindi ‘to haka-haka lamang. Hindi ko itataya, hindi ko isusugal ang pangalan ko sa sensitibong paraan. Kuya Vhong, mag-isip ka. Mag-unawa.

“Pasensiya na po ganito po talaga ugali ko. Hindi ko po kasalanan na pinalaki ako ng magulang ko na ipaglaban kung ano’ng katotohanan at karapatan. Hindi po ako nagtatapang-tapangan pero prinsipyo po ang pinaglalaban ko dito.

“Kung sinasaktan niyo po ang isang rape victim na katulad ko, parang sinasaktan niyo na din ang mga rape victim, mga naabuso, na tahimik lamang. Yun bang ehemplo na ipapakita nyo?

“Kuya Vhong, ngayon panalo ka. Pasensiya na, simple lang ako. Hindi ako makapangyarihan. Ngayon panalo ka, pero matakot ka sa ikalawang buhay. Ako handa akong ibuwis ang buhay ko, na nagsasabi ako ng katotohanan, hindi ako natatakot.
“Hindi po ako natatakot.

E, mas ikakatakot ko ang ikalawang buhay diyan sa impiyerno. Kung ikaw nasaktan diyan, mas matakot ka. Ako iyon ang kinakatakutan ko, e.

“Hindi ako nag-iimbento, dahil pag sinabi ko, kaya kong ibuwis ang buhay ko dahil nagsasabi ako ng katotohanan. Hindi ‘to problema, pagsubok lamang ‘to.

“Sa mga tao na naabuso, sa mga babae na nasaktan, nandito ako para lakasan ang loob ninyo. Huwag kayong mag-alala, poprotektahan ko kayo hangga’t kaya ko.

“Sa mga tao na hindi naniniwala sa akin, salamat po. Sa mga taong naniniwala, salamat din po. Hindi pa po huli, nadadagdagan lang po ang kasalanan ninyo.

“Kung ako ang instrumento para mapabago ang isang tao, ipaglalaban ko nang kamatayan,” tuluy-tuloy na sabi ni Deniece sa Startalk.

Ano naman ang mensahe niya kay Vhong ngayong nasa korte na ang kani-kanilang mga kaso? “Kuya Vhong, I will still pray for you. I will still pray for you, sana gumaling ka, sana yung family mo maiintindihan ako. Iyon lang po.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending