Kylie pwede nang makipaghalikan, sabi ni Binoe…pero hindi kay Aljur


Hindi si Aljur Abrenica ang magiging first screen kiss ni Kylie Padilla. Patuloy ang transformation ng character ni Kylie na Ada sa kaniyang primetime soap na Adarna weeknights after 24 Oras sa GMA TeleBabad.

Nagiging secret super heroine na si Ada complete with costume. The audience seems to like the change dahil wala naman itong violent reaction dahil this is continually getting great ratings.

We wonder kung sino ang makakasama ni Ada in fighting crime among the boys na malamang ay either sina Benjamin Alves or Mikael Daez na may built-in costume na rin.

Now, speaking of boys, pinayagan na pala si Kylie ng kaniyang very conservative father Robin Padilla na makipaghalikan on screen.

Every time Kylie does a kissing scene noon sa iba niyang soap, palagi itong daya lang dahil ayaw ng kaniyang ama. But with Kylie becoming really more independent and Robin realizing na isang aktres ang kaniyang anak so she has to do things that must be done, pumayag na rin ito sa mga kissing scenes.

Kaso, it won’t be Aljur for sure. Parang ibibigay ni Kylie ang kaniyang first screen kiss sa either of the three leading man niya sa Adarna and most likely sa main leading man na si Geoff Eigenmann.

At least very safe ang magiging unang screen kiss ni Geoff dahil known din ito to be Carla Abellana’s boyfriend. Kung sina Mikael, known din ito as Megan Young’s boyfriend so kung si Benjamin, magkakaroon ng intriga.

Again, sayang at hindi sila ni Aljur ang magka-partner dahil tiyak mas aabangan ito kung sila ang magkakahalikan.

( Photo credit to Google )

Read more...