Kris ‘Itinatakas’ si Bimby pag dadalawin na ni James Yap


Sa isang panahon na ang akala nati’y naplantsa na ang gusot sa pagitan ng dating mag-asawang sina James Yap at Kris Aquino tungkol sa kanilang anak na si Bimby ay meron pa palang mga pinagkasunduan at sinumpaang pangako sa korte na hindi natutupad.

Ang reklamo ng basketbolista ay ilang buwan na ngayong hindi niya nakikita-nakakasama ang kanilang anak ni Kris, miss na miss na raw ni James Yap ang kanyang anak, pero may buwelta naman agad du’n ang aktres-TV host.

Anumang oras ay puwede raw namang kunin ni James si Bimby, ‘yun daw ang utos ng korte kaya sumusunod naman ito, pero ang problema ay wala namang ginagawang hakbang si James para makasama ang kanyang anak.

May naalala kaming kuwento nu’ng katatapos pa lang ng pagdinig sa kanilang kaso, nagpasabi si James na dadalaw siya kay Bimby, pero nabigo ang basketbolista.

Kuwento ng aming impormanteng may malalim na alam tungkol sa pangyayari, “Nu’ng dumating si James sa tinitirhan ni Kris, wala naman ang anak niya, isinama pala ni Kris sa Palawan.

Malungkot siyempre si James, ‘yun ang usapan nila, korte naman ang nag-utos na magkita sila ng anak niya, pero wala,” kuwento ng aming source.

Mahirap nga namang kumilos kapag isang Kris Aquino ang sangkot sa sitwasyon, kayang-kaya nitong bumitiw sa kanilang usapan, kahit nga ang korte ay puwedeng hindi sundin ni Kris kapag gusto nito.

“Sino ba naman si James para magalit, e, isang Kris Aquino ang kalaban niya? Di para naman siyang naghamon ng away? Gusto ba niyang mapag-initan siya, kesehodang tatay pa siya ng anak nu’ng babae?” nasabi na lang ng aming impormante.

Kailangan kumilos si James Yap, kailangang manindigan siya, dapat siyang gumawa ng hakbang para magkita sila ng kanyang anak. Hindi naman silang dalawa lang ang nagkasundo tungkol du’n kundi ang korte ang nag-utos sa kanila na maghiraman sa kanilang anak.

( Photo credit to Google )

Read more...