Alice game na game sa halikan


Ngayong gabi na mapapanood ang unang handog ng Studio 5 Original Movies sa TV5, ang Lady Next Door kung saan makakatambal ni Alice Dixson ang bagets na bagets na Kapatid star na si Mark Neumann ng Artista Academy.

Ito’y isang May-December affair kung saan mai-in love si Mark sa karakter ni Alice. Kuwento nga ni Mark, “I’m a Fil-Am in this telesine na naging rebelde. Then, si Alice, she’s my neighbor and because of her, I start changing the way I am.

“Becoming a boy-next-door, tatanggalin ko ang mga make-up, normal clothes, dahil sa kanya,” anang binata. May halikan dito sina Mark at Alice, at nang tanungin ang bagets kung ano’ng feeling na mahalikan ang magandang aktres, “It was good, it was amazing, yes.

Of course, Miss Alice Dixson, sino naman po ang hindi?”

( Photo credit to Google )

Read more...