Sey mo Dingdong, Marian bumabata dahil kay Alden


Hindi naging ganoon kalayo ang hitsura nina Marian Rivera and Alden Richards sa Carmela. Finally last Friday night, hindi lang basta lumabas ang dalawang bida ng Carmela sa kanilang first team up together, nagkita na rin ang mga characters nila bilang sina Carmela and Yago.

Ang verdict, hindi naman pala nagkakalayo ang hitsura ng dalawa even with the age difference. No, hindi raw mukhang matanda ang dating ni Alden, talagang mukhang bata lang si Marian para maging magkatambal sila at lumabas ang chemistry sa dalawa.

Tonight, si Yago pala ang nagpunan ng pera na kulang para mabayaran ng buo ang matrikula ni Carmela. Nagpasalamat si Carmela sa kanya pero umiwas kaagad kay Yago.

Hindi man lang nagkaroon si Yago ng pagkakataon na makipagkilala kay Carmela. Nagdalawang-isip si Carmela kaya sinundan niya si Yago para alamin ang pakay nito sa pagtulong sa kanya.

Nairita at nagwalk-out naman si Yago dahil may duda sa kanyang intensyon si Carmela. Nakunsensya naman si Carmela sa pagtrato niya kay Yago.

Isang pabor ang maibibigay niya kay Yago bilang ganti. Dito na sila magkakakilala nang husto. Madaling mai-impress si Yago sa ugali ni Carmela.

Sinabi ni Carmela kay Sabel na wala siyang panahon sa manliligaw dahil nakatuon ang kanyang pansin sa paghihiganti kay Fernando na siyang dahilan ng pagkamatay ng kanyang  magulang.

( Photo credit to Google )

Read more...