Jumbo Plastic, Hog’s Breath target ang semis

Mga Laro Ngayon
(The Arena)
2 p.m. Jumbo Plastic vs Blackwater Sports
4 p.m. Hog’s Breath Café vs Cagayan Valley

TATANGKAIN ngayon ng Jumbo Plastic Giants at Hog’s Breath Café Razorbacks ang makumpleto na ang semifinals cast laban sa mga beteranong koponan sa pagsisimula ngayon ng 2013-14 PBA D-League Aspirants’ Cup quarterfinals ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Dahil tumapos sa ikatlo at apat na puwesto, ang Giants at Razorbacks ay may tangan na twice-to-beat advantage laban sa Blackwater Sports Elite at Cagayan Valley Rising Suns.

Unang laro ay sa hanay ng Jumbo Plastic at Blackwater Sports sa ganap na alas-2 ng hapon bago sundan ng pagkikita ng Hog’s Breath Café at Cagayan Valley dakong alas-4 ng hapon.

Bentahe ang twice-to-beat advantage ngunit asahan na gagawin ng Giants at Razorbacks ang lahat upang manalo na at maiwasan ang do-or-die game na papabor sa mga beteranong katunggali.

“We don’t want a knockout game because they will have the advantage if that happens. Blackwater is not a high-scoring team and we can match up well with them,” wika ni Jumbo Plastic coach Joel Dualan.

Read more...