Anne dedma sa mga laitera, patutunayang keri niyang mag-Dyesebel


Dedma lang si Anne Curtis sa mga taong nambabalahura sa kanya sa social media bilang bagong Dyesebel na mapapanood na very soon sa ABS-CBN Primetime Bida.

Ayaw kasing tigilan ng mga bashers si Anne, talagang kontrang-kontra sila na ito ang gumanap na bagong Dyesebel.
May mga nabasa kaming mga violent reactions na talagang below the belt na ang mga tirada kay Anne, pero tulad nga ng nasabi na ng TV host-actress, nirerespeto niya ang mga kritisismo ng mga taon sa kanya, basta ang mahalag, malaki ang tiwala sa kanya ng ABS-CBN at naniniwala siya na hindi naman lahat ng Pinoy ay kontra sa pagganap niya as Dyesebel.

Hirit pa ni Anne, hindi siya magpapaapekto sa mga panlalait ng mga tao sa kanya, ang the best na kailangan niyang gawin ay ang patunayan sa publiko na kaya niyang bigyan ng hustisya ang pagiging Dyesebel.

Inamin naman niya na inaatake pa rin siya ng nerbiyos sa nalalapit na pag-ere ng bago niyang fantaserye, pero, “I think yung excitement kasi is overpowering yung kaba.

Forever namang nandiyan yung kaba kahit ano yung gawin ko kinakabahan talaga ako pero yung excitement mas malakas.
“May energy ka to do the swimming and pag-aralan lahat para ma-perfect mo at hindi mo ma-disappoint lahat ng mga taong nag-aabang ng Dyesebel.

And lahat ng bawat post ko sa Twitter or Instagram ko, nakikita ko kung gaano ka-excited yung mga tao kaya talagang pinagbubutihan ko lahat,” aniya pa.

Panay-panay na rin ang training nina Anne sa mermaid swimming, “Pati yung breathing methods kung paano hihinga ng mas matagal ang breath sa ilalim ng tubig.

Of course, nag-da-diet din ako para sexy. Ha-hahaha! Wala namang chubby na Dyesebel, di ba? So it’s part of the role to at least be fit kasi lumalangoy si Dyesebel.”

Excited na rin si Anne sa pagsasama uli nila ni Andi Eigenmann sa Dyesebel, si Andi ang magiging kontrabida sa serye bilang kaagaw niya kay Gerald Anderson.

Nagkatrabaho na sila noon sa pelikulang “A Secret Affair”, “So, alam ko nandu’n yung chemistry kung pano gagawin. Sobra akong excited. I’m happy that it’s her kasi bagay rin naman sa kanya and sobrang thank you na tinanggap din niya yung role.”

( Photo credit to Google )

Read more...