Kris, Boy balik-tambalan sa Primetime Bida ng ABS-CBN

TULOY na tuloy na ang pagbabalik na tambalan nina Kris Aquino at Boy Abunda sa telebisyon. Mismong si Kris ang nag-announce na mapapanood na sa Primetime Bida ang bago nilang show na pinamagatang Aquino & Boy Abunda Tonight sa ABS-CBN.

Sa kanyang Instagram account, ibinalita ni Kris na simula sa Feb. 10 eere na ang nasabing late night talkshow. Ipinost pa niya ang ilan sa mga behind the scenes sa ginawa nilang pictorial ni Boy Abunda kamakailan.

“Thank You God for the busy-ness of today & tonight. Day off tomorrow. Batanes taping for #kristv Monday to Wednesday,” sey ni Kris.

Ilang beses na ring nagkasama sa isang show ang mag-best friends, ilan sa mga ito ay ang The Buzz at Boy & Kris. Una naman silang nagkasama sa telebisyon bilang host sa Startalk ng GMA 7, bago sila lumipat sa ABS-CBN.

Kung hindi kami nagkakamali, ang pagsasama muli nina Kris at Boy sa TV ay bahagi na ng bagong kontrata ng Queen of All Media bilang Kapamilya.

( Photo credit to ESantiago )

Read more...