Kat Alano buking na ginamit lang si Vhong para magpasikat


Naduwag si Kat Alano kaya siya biglang kambiyo sa recent controversial tweets niya about rape. After posting a total of nine tweets which led netizens into thinking na pinariringgan niya si Vhong Navarro ay biglang kumabiyo ang hitad at nag-tweet na, “To set the record straight, my comments on rape are my personal opinion, please do not speculate or take my tweets out of context. Thank you.”

Ano ba itong si Kat hindi nag-iisip? Nakikisawsaw lang ba siya sa issue ni Vhong. Naduwag ba siya dahil bigla niyang binura ang kanyang controversial tweets? With what she did ay lalo tuloy siyang nilait sa social media.

“Eh ano yung I know the truth and after 9 years nyang sinasabi? Wait daw tayo pero after lumabas cctv biglang nag-iba ihip ng hangin,” one guy commented.

“Pag irrelevant ang message na gusto mong i-convey, lalo na kung sensitive ang case, huwag mo ng i-post. Makakadagdag ka lang sa lalim ng kaso.

“Kung may issue ka, sa korte mo dalhin hindi yung ngawa ka sa social media tapos pag nag create ka ng furor kakabig ka. Umayos ka!” litanya naman ng isa kay Kat.

“May toyo rin itong si ineng. mag post/tweet ka ba naman ng sunod-sunod tungkol dun sa issue, meron pang 9 years chuva, tapos sasabihin mong huwag i take out of context? Anong trip mo?” sabi naman ng isang ‘di maintindihan ang trip ni Kat.

( Photo credit to E Santiago )

Read more...