Anne: Kahit kailan hindi ako binastos ni Vhong!


Tunay na pamilya raw ang nahanap ni Anne Curtis sa ABS-CBN kaya naman hindi siya nahirapang magdesisyon na manatili sa network at mag-renew ng kontrata rito.

“Nakahanap ako ng totoong pamilya na palaging naniniwala at hindi mang-iiwan kahit anong mangyari,” sey ni Anne.
Ayon sa aktres, kabilang sa mga proyektong nakapaloob sa panibago niyang two-year contract ang pananatiling host ng It’s Showtime at isang teleserye kada taon, kabilang na ang pagbida niya sa Dyesebel.

Hindi maitago ng aktres hanggang ngayon ang lubos na kasiyahang nadarama sa pagkakapili para sa naturang role. Ngayong weekend ang simula ng taping nila sa Coron, Palawan.

Samantala, bigla namang naging emosyonal ang aktres nang hingan siya ng komento kaugnay ng isyu ng pambubugbog sa malapit niyang kaibigan at katrabahong si Vhong Navarro.

“Para sa akin, masaya ako kasi ligtas siya at unti-unti niyang nilalampasan ang nangyari. Kasi napakahirap para sa isang tao na pagdaanan yun, nakaka-trauma. Pero lumalaban siya at malalampasan niya ito kasi malakas siya,” sey ng aktres.

Hindi rin kumbinsido si Anne sa balitang bukod umano kay Deniece Cornejo ay lalantad din ang iba pang kababaihan na diumano’y minolestiya rin ni Vhong.

“Kita naman ng lahat. Kung paano siya sa TV, ganoon din siya sa likod ng kamera. Sobrang bait po niya. Sobrang bait. Para sa akin, tinrato niya ako ng tama. Palagi yang gentleman.

Wala akong masasabing masama kay Vhong,” depensa ni Anne.

( Photo credit to Google )

Read more...