Xian walang kupas ang kaangasan, makakarma sa sobrang kayabangan


NAPILITAN si Xian Lim na mag-issue ng public apology after his display of his rude behavior during the live Chinese New Year’s countdown sa isang palabas ng ABS-CBN dahil sangkaterba ang natanggap niyang negative and violent reactions from netizens.

“I deeply apologize if I caused negative feelings while singing onstage during the Chinese New Years Eve countdown…” sabi niya sa Twitter account niya.

“It was not my intention, and I take full responsibility for my actions,” dagdag pa ng binata. Kaliwa’t kanang bashing ang inabot ni Xian sa social media when the video of his pambabastos sa Kim Chiu lookalike went viral.

Talagang kinuyog siya ng LAIT ng mga netizens. Wala ngang kumampi sa kanya at lahat galit na galit sa kanya. Probably feeling a lot of pressure because of his boorish behavior, ayun, napilitan si Xian na mag-issue ng public apology.

But we feel na mas una siyang dapat humingi ng paumanhin sa Kim loookalike na kanyang harap-harapang binastos.  Dapat ay nag-sorry na siya sa dalaga right there and then para makita ang sincerity niya.

We doubt kung nag-sorry siya sa babaeng kanyang binastos. Nagtataka lang kami kay Xian. He is a LEARNED  guy, highly EDUCATED but he seems to have this INNATE kayabangan in him.

Nalasing na yata siya sa success ng movies niya without thinking that his popularity is ANCHORED on his leading lady, Kim Chiu and it’s not the other way around.

Kapag ipinagpatuloy pa ni Xian ang ganitong ugali, karma ang naghihintay sa kanya.

( Photo credit to Google )

Read more...