Matteo: Gusto kong protektahan si Sarah, pati na ang pamilya niya!


Sa pagtatanong namin sa mga mahihilig sa artista at tsismis sa showbiz, mas marami sa kanila ang naniniwalang matagal nang magdyowa sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

At nagkakaisa sila sa pagsasabing posibleng may kinalaman nga si Mommy Divine sa pag-iwas ng dalawang Kapamilya stars sa pagsasalita tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Malamang daw, may blessing na ni Mommy Divine ang pagmamahalan ng dalawa pero may kundisyon – ang itago muna ito sa publiko.

Sa nakaraang interview ng press kay Matteo, halatang pigil na pigil kanyang emosyon para kay Sarah, kitang-kita sa mga mata niya na in love na in love siya sa Pop Princess pero may kung anong humaharang para ibandera niya ito sa buong mundo.

Nang tanungin ang binata kung si Sarah ba ang dahilan kung bakit ang gwapo-gwapo at ang fresh-fresh ng aura niya ngayon, ang tugon nito, “Sabihin natin na kumbaga isa siyang inspirasyon sa akin.”

At tulad nga ng lagi niyang sinasabi kapag inuusisa kung sila na ba ni Sarah, “I guess I just want to protect what Sarah and I have. I’ll respect her side and also my side basta may mga reasons kami na I can’t say basta one day. One day everything will be okay.”

Hindi ba siya natatakot na magalit ang mga fans ng dalaga dahil parang hindi siya proud rito, “It’s up to us. It’s us naman who will decide. I don’t think we’re stepping on anybody, as long as we respect everybody.

That’s what I believe eh as long as you respect people, they’ll respect you back. Respect is very important for me.” May nagsabi naman na mukhang tagumpay ang ginawa niyang panunuyo sa singer-actress kaya napakaganda ng relasyon nila ngayon,“Siyempre in life when you work hard on something and you get it, it’s really nice.

Good things happen to people who wait and work hard. Everything in life happens for a reason.” Pero naniniwala ba siya na nagiging overprotective lang si Mommy Divine kay Sarah dahil natatakot itong saktan lang ng mga lalaki? “Baka she has her own reasons.

I can’t speak for her, but I’m sure every mother has their own reasons why they’re protective. My mom’s also very protective of me also. I’m sure meron naman siyang sariling reason. Basta mabait naman sila.”

Mahalaga ba sa kanya na may approval ng magulang ang magiging karelasyon niya? “Siyempre it’s very important that you have your family’s approval kasi siyempre when you love the person you don’t just love the person, you love the whole family. Everybody – mom, dad, brother, sister – so whoever I’ll be with, I want my parents to love also.”

( Photo credit to Google )

Read more...