Pangako ni Yeng: Walang Sex hangga’t hindi pa ako kasal!


NANININDIGAN si Yeng Constantino na hinding-hindi siya makikipag-sex sa boyfriend niya hangga’t hindi sila nakakasal.
Isa ang Kapamilya singer sa iilang mga kabataang babae ngayon ang conservative pa rin ang pananaw pagdating sa pakikipagtalik.

At hindi lang ‘yan, pati pala ang boyfriend niyang si Victor Asuncion ay kontra sa pre-marital sex. Sabi nga ni Yeng sa isang interview, “There’s no pre-marital sex sa relasyon namin.

Ganu’n talaga. No pre-marital sex, ‘yan ‘yung clear na… no to it. “Kasi we want to honor marriage. Kasi, di ba, ang tagal-tagal kang prineserve ng mga magulang mo, nanay mo, papa mo.

“Lahat ng paggalit, pananakot para hindi ka lumabas ng bahay, pumarty, pero sa isang iglap, ‘Its all gone, ‘Ma.’ So, ‘yun ‘yung sa amin, ‘yun ‘yung boundary namin.

“Kasi once na nag-move ka na into physical intimacy, sobrang magbabago na ‘yun. It’s another level na you have to save…for me. That’s for me,” mahabang paliwanag ng magaling na singer.

( Photo credit to E Santiago )

Read more...