Para sa may kaarawan ngayon: Mahirap magmintina ng isang masarap na relasyon. Ngunit kung iisiping nagkakaedad ka na, magagawa mo. Sa pag-ibig, panatiliin ang kasuyong isinilang sa buwan ng Disyembre. Sa pinansiyal, sa produktong may kaugnayan sa pagkain ka yayaman. Mapalad ang 4, 9, 27, 31, 39 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Kalil-Homa-Japa-Om.” Yellow at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— Mahirap talagang mawalan ng pera kaya sa sandaling gumanda ang income, matutong mag-savings. Sa pag-ibig, susuwertehin ka sa pakikipag-relasyon sa isang Leo. Mapalad ang 3, 12, 27, 32, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Santosha-Yamas-Pranidhana-Om.” Lilac at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Parating na ang suwerte, hindi mo ba nararamdaman? Iwasang sumimangot! Sa taong ito ng 2014 kung laging nakangiti, ngingiti rin ang magandang kapalaran. Sa pag-ibig, may isang naka-red ang palihim na humahanga sa iyo. Mapalad ang 2, 7, 19, 28, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shiva-Om-Durga” Red at black ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Kahit malamig ang panahon, gawing mabilis at may konsentrasyon ang mga bagay na iniisip mo upang ikaw ay umunlad. Sa pag-ibig, isa-isantabi muna ang puso, salapi ang higit na mas mahalaga! Mapalad ang 5, 14, 19, 27, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Vedya-Om.” Blue at green ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Kung sadyang nagigipit sa salapi, hindi masamang humingi ng tulong sa isang kaibigang Scorpio. Sa pag-ibig, sabihin sa kasuyo ang iyong mga dinadalang problema, malaki ang maitutulong nya. Mapalad ang 2, 7, 15, 22, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Trik-Padha-Vik-Bhuti-Om.” Maroon at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Sa araw na ito ang likas na kagandahan ang aakit ng positibong kapalaran. Panatiliin ang pagsusuot ng kaakit-akit na damit. Sa pag-ibig, higit na nakakikilig ang susunod na pagniniig. Sa pinansiyal, biglang magbabayad ang isang dating may utang. Mapalad ang 4, 12, 27, 36, 42 at 47. Mahigawa mong mantra: “Thaanam-Bhavalam.” Yellow at gold ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Sa araw na ito may sopresang matatanggap, na sobrang ikagagalak. Sa pag-ibig, mamayang gabi, habang nilalamig may masarap na romansang mararanasan. Kinabukasan, malaking halaga ng salapi ang iyong mahahawakan. Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 42 at 49. Mahiwagang mantra: “Graha-Dosya-Jawala-Om.” Silver at pink ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Mag-alaga ng kahit na anong uri ng hayop upang suwertehin, puwede ring mga halaman ang iyong alagaan. Sa pag-ibig, regaluhan ang kasuyo ng isang halamang bilugan ang dahon upang kapwa kayo suwertehin. Mapalad ang 6, 15, 23, 26, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Naikarma-Nirguna-Om.” Blue at red ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Sa taon ito, baguhin ang style ng iyong buhok. Sa mahabang buhok susuwertehin ka na sa pag-ibig at pinansyal. Kung carry mo, maglagay na rin ng kapirasong tattoo sa dibdib. Mapalad ang 3, 18, 21, 27, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Arham-Nama-Jnana-Om.” Magenta at pink ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Tama ang naisip mong maglakbay. Sa ibayong dagat ay may magandang kapalarang naghihintay. Higit kang uunlad sa pangingibang-bansa. Sa pag-ibig, sa abroad mo makikilala ang iyong true love. Mapalad ang 1, 4, 13, 22, 28, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Satura-Sahatma-Om.” Lilac at purple ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Huwag maghintay ng suwerte sa sinilangang bayan. Sa malayong pook mo matatagpuan ang pag-unlad. Sa pag-ibig, habang naghahanap buhay sa malayong lugar mami-meet mo na ang iyong true love. Mapalad ang 1, 19, 24, 39, 42 at 47. Mahiwagang mong mantra: “Om-Jai-Om-Shari-Om.” Beige at maroon ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Ituon ang isipan sa hinaharap. Makuntento na sa kasalukuyang minamahal at huwag nang isipin pa ang nakaraan. Sa pinansiyal, mag-invest sa mga produktong may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 4, 17, 18, 25, 33, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Violet at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Upang yumaman, magpataba ka! Ang mga taong may bilugang pagmumukha at matataba ang higit na yumayaman kaysa sa mga payat! Sa pag-ibig, hindi mo ba alam, “sexy din naman ang matataba.” Mapalad ang 2, 7, 19, 27, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Krisna-Rama-Rama.” Green at yellow ang buenas.
HOROSCOPE January 31, 2014
READ NEXT
‘Setup’ di na bago
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...