Janelle Manahan maraming pasasabugin | Bandera

Janelle Manahan maraming pasasabugin

- November 21, 2011 - 02:27 PM

Kapag naging state witness sa Ramgen case

Ang naganap sa buhay ni Janelle Manahan ay hindi na malilimutan pa ng ating mga kababayan. Nabaril at nanganib ang buhay ng dalaga nang paslangin ang kanyang karelasyong si Ramgen Revilla.

Nabigyan kami ng pagkakataong makapanayam ang ina ni Janelle na si Rosario “Ayong” Quintano, ang unang tinext ni Janelle nang mabaril ito, ambulansiya ang hinihingi ni Janelle na maipadala sa kanya nu’ng nakapanghihilakbot na gabing ‘yun.

Habang iniinterbyu namin si Ayong ay tumatawid sa amin ang kanyang emosyon, heto ang isang ina na ni ayaw ngang madapuan at ipakagat sa lamok ang kanyang anak nu’ng maliit pa, pero basta na lang babarilin nang walang kalaban-laban?

Nu’ng ine-edit pa lang ng aming mga kasamahan sa Paparazzi Showbiz Exposed ang footage ng aming interbyu kay Ayong ay hindi na napigilan ng mga ito ang mapaiyak, ibang-iba kasi kapag nanay na ang nagsasalita, lalo na’t hindi naman nagtatapos sa paggaling ni Janelle ang laban na kailangan nitong harapin.

Kapag puwede nang magsalita si Janelle para maikuwento ang kanyang nasaksihan ay maraming pangalan ang malalagay sa alanganin, may mga relasyong masisira, dahil kailangan nitong magpakatotoo.

Maraming salamat na lang dahil sa hinaharap nilang laban na ito ay nandiyan ang pamilya Revilla para sumuporta sa kanila, lalo na ang matutok na si Senador Bong, ayon kay ayong ay nagiging magaan ang lahat para sa kanila dahil nandiyan ang pamilya Revilla na umaalalay sa kanila.

Ayon din kay Ayong Quintano, kung kinakailangang maging state witness si Janelle ay wala silang magagawa, dahil hindi lang naman si Ramgen Revilla ang nangangailangan ng hustisya kundi maging ang kanyang anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending