Nasabi namin ito base na rin sa obserbasyon ng isa naming kakilala na nakapanood nang mag-guest si Sarah sa concert ni Martin Nievera at Side A kamakailan.
Nang tawagin na raw kasi si Sarah para umapir sa stage at mag-perform ay hindi raw masigabo ang palakpakan sa kanya ng audience.
Hindi naging mainit ang pagtanggap sa Pop Star kaya naman marami ang nagtataka kung bakit kaya parang tinabangan na sa kanya ang mga tao?
Hindi na ba sikat si Sarah o medyo may sawa factor na rin dahil madalas siyang makitang nagko-concert? O, baka naman kasi hindi audience ni Sarah ang nandu’n sa concert kundi mga fans ni Martin at ng Side A.
Kung ganu’n, maiintindihan natin kung bakit hindi masyadong bongga ang palakpakan sa kanya.
Ang tsika naman ng isa pa naming nakachikahan, mas hit pa raw si Anne Curtis kaysa kay Sarah noong gabing iyon. Kuwelang-kuwele raw kasi si Anne dahil sa mali-mali nitong tono.
Na-carry raw nang husto ni Anne ang kayang segment kaya naman tuwang-tuwa ang mga manonood sa kanyang kakikayan sa stage.
Hindi man sabihin, na-upstage ni Anne si Sarah without even trying to. Pero hindi naman daw magalit ang mga fans ni Sarah kay Anne dahil sure kaming hindi naman niya gustong i-upstage ang kanilang idolo nu’ng gabing ‘yun.