While wala raw problema si Dina Bonnevie na niri-remake ang ilan niyang pelikula, sana raw, mas maganda dapat sa original dahil ang iba, gusto niya raw palayasin sa TV ang nag-remake ng kanyang role at papuntahin sa bahay niya para mag-workshop dahil sinira raw ng mga ito ang kanyang mga “masterpiece”.
Kay “tito” Gabby na raw kumukuha ng acting points si AJ Muhlach who plays his father sa PS I Love You, more than from his kuya Aga Muhlach na isa naman sa original “Bagets”.
Wala raw directive ang Viva TV or ang TV5 to change her screen name, sabi ni Nadine Lustre as she becomes the second Nadine sa mga princesses ng TV5 after Nadine Samonte.
No talkies day daw talaga ang first day ng taping nina Alex Gonzaga at Kean Cipriano kahit puro mga sweet scenes ang kinukunan nila dahil doon pa lang sila nagkita muli pagkatapos nilang magkahiwalay ng di kagandahan sa kanilang first TV5 show na BFGF.
Kean was all game, all rah-rah at all energy during the question and answer portion at pagkatapos nito, fly agad ang singer ng Callalily at wala nang nakapagtanong pa sa kanya.