Bersiyon ng NBI sa pambugbog kay Vhong

MARAMI nang akusasyon at kontra-akusasyon sa kaso ng pambubugbog kay actor-comedian at TV host Vhong Navarro.

Sinasabi ni Vhong na siya’y “binaboy” ni Cedric Lee, isang mayamang negosyanteng Tsinoy, at ng kanyang mga bodyguards.

Sa kabilang dako, ang commercial model na si Deniece Cornejo ay inaakusahan si Vhong ng panghahalay.

Ang nakikita ng National Bureau of Investigation (NBI) ay anggulo ng love triangle nina Vhong, Deniece at Cedric.

Ang NBI ay pumasok na sa highly-publicized na kaso.

Ito ang mga nakalap ko sa isang NBI insider tungkol sa findings ng NBI:

Inimbita ni Deniece si Vhong sa kanyang unit sa Forbeswood Heights Condominium sa Bonifacio Global City sa Taguig dahil sila’y magkaibigan ng dalawang taon na.

Although sinabi ni Vhong na walang nangyaring “seksual” sa kanilang dalawa ni Deniece, in-oral sex raw ng babae ang aktor at ito’y nalabasan.

Dahil nakaraos na ang aktor, nagbabay na kay Deniece.

Nabitin si babae. Nag-text siya kay Vhong: “Bad boy ka, bad boy ka!”

Sinagot naman siya ng aktor: “Babawi na lang ako sa iyo sa susunod.”

Ang hindi alam ni Deniece—and, of course, ni Vhong—ay may mga nakatagong camera sa unit ng babae kaya’t kitang-kita ang masasarap na sandali sa closed circuit television (CCTV).

Itong si Deniece kasi, sabi ng NBI, ay “kept woman” ni Cedric at pag-aari niya ang unit.

Kinompronta ni Cedric si Deniece at tinakot na palalayasin sa condo at aalisin na ang kanyang sustento kapag di niya niyayang muli si Vhong sa condo.

“Kaya, Mon, nang dumating si Vhong noong pangalawang dalaw niya, meron siyang dala-dalang white wine at mga pagkain dahil may kasalanan siya kay Deniece dahil binitin niya ito noong una,” sabi ng NBI insider.

Kaya naman pala malamig ang pagtanggap ni Deniece kay Vhong, ayon sa account ng aktor sa insidente.

Alam ng babae na nakaabang na si Cedric at kanyang mga bodyguards kay Vhong.

Si Cedric ay multi-millionaire na negosyante na maraming kilalang matataas na opisyal dahil involved siya sa ilang government projects.

Masyado siyang seloso ayon sa mga nakakikilala sa kanya.

Siya’y may anak sa aktres na si Vina Morales.

Si Cedric ay business partner ni Tyrone Ong, isang mayaman ding negosyante na nakakulong ngayon sa Camp Crame dahil sa plunder case na konektado sa “ghost” repairs ng B-150 armored vehicles ng Philippine National Police (PNP).

Si Ong ay adopted member ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1976 na ang mga miyembro ay sina dating PNP chief Jesus Versoza at retired police generals Magtanggol Gatdula at Jefferson Soriano.

Kaya pala dinala si Vhong nina Cedric at Deniece sa pulisya dahil maraming kakilala si Cedric na mga matataas na opisyal ng pulis.

Alam nila na di sila sisitahin ng mga imbestigador kung bakit bugbog-sarado si Vhong.

Pinaniwalaan ng mga imbestigador sina Cedric at hindi man lang kinuha ang panig ni Vhong.

Dapat ay kinausap nila si Vhong ng masinsinan tungkol sa pangyayari.

Di nila ginawa yun dahil kilalang-kilala nila si Cedric.

May balita pa nga na ilan sa mga bodyguards ni Cedric ay miyembro ng PNP.

Read more...