Nababahala ang ating texter…. 3889, ng Barangay Banglay, Tangub City, dahil madalas na nagli-leak ang crankcase ng kanyang anim na taong gulang na motorsiklo.
Kung ang kanyang 125cc na motorsiklo ay nagamit niya ng husto—75 hanggang 100 kilometro kada araw — kailangan na itong sumailalim sa overhaul at piston rebore.
Kung minsan ang oil leak ay dahil din sa hindi magandang pagtrato sa motorsiklo. Maaaring ang sanhi ng leak ay ang pagluwag ng mga internal parts nito at ang pagka-ipon ng langis at gasolina sa dulo ng tambutso.
Bumabaha rin ng substandard na engine oil at replacement oil seal ang merkado at kung ito ang gagamitin ay madali itong masisira.
Kapag madalas at malakas na ang tulo ng langis kailangan na itong i-overhaul at sumailalim sa piston rebore. Matagal itong gagawin, maaaring abutin ng walong oras kung sanay na ang mekaniko.
Mas tatagal ang trabaho kung walang malapit na maaaring pagawan ng rebore. Kapag sumailalim na sa engine overhaul at piston rebore, dapat ay regular na mag-change oil.
Mag-ingat din sa pagbili ng langis. Mas maganda kung sa mapagkakatiwalaang dealer bumili. Pero minsan kahit na branded ang langis, may mga pagkakataon na luma na ito kaya hindi na magandang gamitin.
Noon ay naglabas na tayo ng artikulo tungkol sa peke at substandard na Castrol oil at agad na umaksyon dito ang Department of Trade and Industry.
Ang paggamit ng substandard o pekeng langis ay maaaring magresulta sa agarang pagkasira ng makina ng motorsiklo. Kung may pera rin naman, subukang bumili sa mga gasoline station dahil mas makatitiyak na genuine ang langis na ibinebenta nito.
Tiyakin din na mapapatulo ang lahat ng aalising langis lalo na sa lumang motorsiklo. Ang iba ay gumagamit ng air compressor upang matiyak na maaalis ang lahat ng lumang langis.
Batas vs riding-in-tandem anti-poor
HINDI ang pagbabawal sa riding-in tandem ang solusyon upang masawata ang mga kriminal na gumagamit ng motorsiklo sa paggawa ng krimen, ayon kay Akbayan Rep. Barry Gutierrez.
Isa anya itong ‘anti-poor’ na hakbang dahil ang motorsiklo ay pangunahing sasakyan ng mga mahihirap na nagtitipid. “This is a grave injustice; it violates human rights and severely discriminates against the ordinary, working Filipino citizens,” ani Gutierrez.
Posibleng maapektuhan ang may pitong milyong rider sa sandaling maipasa ang panukala. “This proposal needs to be reviewed thoroughly on its possible impacts to the motorcycle users and if, in fact, it addresses directly the issue the LGUs are trying to solve.”
“Riding-in-tandem does not necessarily mean that they are out to kill or commit crimes. While there are those who do that, we should not generalize or support undue stereotypes or discrimination against everyone who use this mode of transportation.
We should not breed suspicions that, in the end, will prove detrimental to the welfare of the ordinary citizens,” giit nito.
Ang kailangan umano upang mahuli ang mga kriminal ay ang pagpapakalat ng mga pulis, at state-of-the-art monitoring and crime-prevention equipment.
MOTORISTA
Hard start
MATAGAL mag-start ng XRM 125 ko tuwing umaga. Parati po itong nangyayari.
Jemboy ng
Dapitan City
BANDERA
KUNG meron pang choke cable ang XRM 125 mo, alisin mo na ito at putulin. Ibalik sa unchoke ang adjustment. Maganda ang makina ang XRM 125 at kapag well-maintaned ito ay parang laging bago ang lakas nito.
Ipa-tune up mo ang makina, linisin kapag nagpapalit ng langis ang karborador at air filter. I-flush ang fuel tank baka may bara ang mga tubo.
MAY reklamo ka ba sa E-10 gasoline, peke at substandard na piyesa, at ilang bagay hinggil sa fuel, lubricants, motor, atbp? I-text sa 0917-8446769
Classifieds Motor
PARA sa inyong mga riders, mechanics, motorcycle salesmen, parts distributor at insurance companies ang Bandera Motor Section Classifieds. Puwede ninyong i-text ang inyong ibinebentang motor sa BMS Classifieds at libre ito (one liner lamang).
Halimbawa: YAM Mio P40 (cell phone number). Kung gusto ninyong makipagpalit, text: SWAP XRM 2010 (cell phone number). Kung gusto ninyong i-text ang inyong serbisyo, i-text: MECHANIC Sam (cell phone number).
VINTAGE bike (cell phone number). PARTS (cell phone number). INSURANCE (cell phone number). I-text ang mga ito sa 0917-8446769