Mindanao tutumbukin ng bagong LPA

ISANG low pressure area ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility at tutumbukin nito ang Mindanao.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration maaaring pumasok sa PAR ang LPA Huwebes o Biyernes.
Kapag lumapit sa kalupaan ay magdadala ito ng pag-ulan pero inaasahan na agad din itong malulusaw. Hindi naman inaalis ang posibilidad na lumakas ito dahil nasa karagatan pa. Kung magiging bagyo tatawagin itong Basyang.
Patuloy namang magiging malamig sa Luzon at Visayas dulot ng Hanging Amihan.

Read more...