Jhong Hilario nag-iiyak, awang-awa kay Vhong


Hindi naiwasan ni Jhong Hilario ang maluha at pagkatapos ay nag-sorry at umalis sandali sa segment ng “That’s My Tomboy” grandfinalist presentation last Tuesday.

Nakaupo kasi bilang isa sa mga hurado si Jhong (alongside Ai Ai delas Alas at Daniel Matsunaga) at may isang kalahok na nagbigay ng pahayag na ang dahilan kung bakit nasa kontes siya ay dahil sa kanyang best friend na namatay na.

Obvious na naapektuhan si Jhong sa speech ng kalahok at nasabi nga nitong, “Hindi madali ang ginagawa namin dito sa Showtime,” referring to his co-hosts’ moral and mental condition on Vhong’s issue.

Hindi na ito nagpatuloy ng pagsasalita at tumayo sabay hingi ng sorry sa direktor ng show, umalis at hindi na bumalik hanggang sa matapos ang show nu’ng Martes.

Mahirap din talaga ang pinagdaraanan ngayon ng mga kaibigan ni Vhong knowing fully well na hindi sila kumpleto sa show and yet, sa ngalan ng entertainment ay pinipilit nilang magtanghal at mairaos ng maganda ang It’s Showtime.

Read more...