NAPANOOD ko ang interview ni Kuya Boy Abunda sa Buzz Ng Bayan kay Gretchen Barretto last Sunday and I found the interview really excellent.
Ganda ng mga points na pinakawalan ni Greta though meron pa rin akong reservations sa ilang statements niya, lalo na sa away nila ng parents niya most especially sa mommy niya.
Hindi ko talaga kayang makakita ng isang anak na lumalaban sa kaniyang mga magulang – kahit sabihin pang mali pa ang parents niya – ang magulang ay magulang pa rin para sa akin.
Baka magkaiba lang siguro tayo ng pananaw sa aspetong ito pero I cannot forgive a child fighting his parents. Ewan ko ba – ganoon lang talaga ako.
Kasi raw, sabi ni Greta, lumaki siya sa tahanang walang ginawa kungdi magsigawan, magmurahan na parang way of life na nila. Hindi raw siya komportable sa ganoong set-up kaya habang siya’y lumalaki, she wanted to get out of that house.
She wanted to find her way out and short of saying na hindi na siya babalik sa bahay na iyon. Kaya at an early age ay nagtrabaho na siya ang left home.
But you know, sa ayaw at sa gusto naman natin, kahit saliwa sa ating mga paniniwala, we have to respect hers, di ba? Gusto din daw niyang maibalik ang dating Claudine Barretto na nakilala niya nu’ng bata pa sila.
The Claudine that she has always loved – to this day daw ay mahal pa rin niya si Claudine pero ayaw lang niya sa mga pinaggagawa nito sa buhay niya kaya naglalaban sila sa korte.
Kumbaga, she is saying na kaya siya nakikipagdemandahan sa bunsong kapatid dahil gusto niyang maituwid ito – na sana’y magising ito sa pagkahimbing nang maibalik ang dating Claudine na nakilala niya at minahal.
Watching Gretchen talk, I felt for her. Tama siya kung totoong galing sa puso ang mga sinabi niya. Kaya lang, hindi natin madalas makita ang side na ito ni Gretchen sa tuwing nakakasalubong natin siya.
Ang nakikita natin sa kaniya everytime ay yung Grethen na sobrang taas ng noo kung maglakad – na parang hindi dumanas ng hirap sa buhay – na maldita at sobrang taas ng tingin sa sarili.
So, how do we reconcile with her in real life and that lady Kuya Boy interviewed sa Buzz Ng Bayan last Sunday. Alin ba ang totoong Gretchen dito – yung nasa Buzz Ng Bayan last Sunday o yung nakikita natin sa likod ng camera?
Sana yung napanood kong Gretchen Barretto sa Buzz Ng Bayan ang totoo, instant superstar siya kaagad sa puso natin. But you stars will always be stars – they act so well too. Puwedeng for the show lang yun .
Balita namin may part two pa ang interview na iyon ni Kuya Boy ngayong darating na Sunday kaya aabangan natin ‘yan.
( Photo credit to Google )